Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 656 total reads

Kapanalig, economic recovery dapat ang tutok o focus ng bagong administrasyon ngayon. Ang laki ng nawala sa ating bansa dahil sa pandemya. Napakaraming mga Filipino ang naghihirap.

Unti-unti mang nagbubukas ang ekonomiya, gumapang naman pataas ang inflation rate ng bayan. Kahit gaano pa natin ito i-deny, nasa 6.1% na ang inflation rate ng ating bansa. Ang taas nito ay balakid sa recovery o pagbangon ng mga Filipino.

Ayon sa report ng Bangko Sentral nitong Mayo, ang pagtaas ng presyo ng langis ang isa sa pangunahing rason ng pagtaas ng mga key domestic items. Malaki ang epekto nito sa presyo ng bilihin sa ating bansa dahil nasa mahigit $100 kada barrel ang langis. Linggo-linggo, tumataas ng tumataas ang presyo ng gasolina at krudo, na siya namang mitsa upang tumaas ang iba pang presyo ng mga bilihin. Ano ba ang maaaring magawa ng ating pamahalaan upang mapagaan man lang ang dalahin ng ordinaryong Filipino?

Sa ordinaryong Filipino, ang mataas na inflation ay nangangahulugan ng pagtaas ng cost of living. Syempre, mas apektado dito lagi ang pinaka-mahirap sa ating hanay. Ang kita nila kada araw hindi tumataas, pero ang halaga ng mga produktong kanilang binibili ay tumaas na ang presyo. Suma total, para magkasya ang pera, mas kaunti na lang o mas mababang uri ng bersyon ng mga produktong kanilang tinatangkilik ang kanilang nabibili. Minsan pa nga, dahil sa taas ng presyo, hindi na lang bumibili.

Ang mataas na inflation ay isang malaking poverty trap kapanalig. Nakukulong nito ang maraming Filipino sa kahirapan, at sa pagtaas nito, pinaparami pa ang bilang ng mga mahihirap na nakukulong sa kawalan. Nawawala ang kanilang purchasing power, at napipilitan silang mangutang para lamang maka-survive.  Ang utang nila kapanalig,  ay mula sa mga informal sources, gaya ng mga kakilala o kaanak o maski five-six. Wala silang matatabi kapanalig. Hindi pa dumadating ang sweldo nila,  ubos na ito dahil sa taas ng bilihin at sa dami ng utang.

Kapanalig, kailangan ng agarang tulong ng ating mga kababayan ngayon. Ang projections ng ating mga eksperto nitong mga nakaraang buwan ay nasa mga 4% lamang ang inflation rate, ngunit ngayon, umabot pa ito sa napakataas na 6.1%. Isa sa mga relief measures na inaasam ngayon ng maralita ay ang subsidiya – pantawid sa panahon ng kagipitan ngayon.

Sa panahon ng kagipitan ng bayan, kapanalig, ang maralita ang unang-unang tinatamaan. Dito natin masusubukan ang ating commitment sa pagkakaisa. Kaisa ba natin ang maralita sa ating misyon tungo sa kaunlaran, o hahayaan natin silang maiwan? Pakinggan natin ang gabay mula sa Economic Justice for All: The obligation to provide justice for all means that the poor have the single most urgent economic claim on the conscience of the nation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 106,930 total reads

 106,930 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 143,716 total reads

 143,716 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 174,291 total reads

 174,291 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 222,741 total reads

 222,741 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 284,325 total reads

 284,325 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Karagatan para kanino?

 106,931 total reads

 106,931 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 143,717 total reads

 143,717 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 174,292 total reads

 174,292 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top