Transportasyon at Manggagawang Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 862 total reads

Kapanalig, ang pagiging ordinaryong manggagawang Filipino sa ating bansa ay extra challenging sa ating panahon ngayon. Sa totoo lang, hindi biro ang hirap na dinadanas ng ating  mga manggagawa sa araw araw para lamang magtrabaho at kumita.

Pag labas pa lamang ng bahay, malaking balakid na agad ang transportasyon. Ang public transport sa ating bansa ay hindi sapat sa bilang at kalidad. Araw-araw, kailangan  maghabol ng mga mamamayan sa mga jeep para lamang makasakay. Araw-araw, kailangang pumila ng mga commuters ng pagkahaba-haba para lamang makipagsiksikan sa tren. Sa umaga at sa gabi, maikli na ang dalawang oras para lamang makipag-tunggalian sa kalye para makapasok sa trabaho at maka-uwi sa bahay.

Kaya naman marami na rin ang pumili ng magmotor, bike at scooter na lamang tungo sa trabaho. Mas cost-effective ito para sa maraming Filipinong taga-siyudad. Kaya lamang, safety issues din ang kanila namang hinaharap. Kapag bike at scooter ang gamit mo, walang espasyo para sa iyo sa mga pangunahing lansangan ng bayan. Base sa datos ng MMDA,  umabot ng 2,397 ang mga road crashes na kaugnay ang mga bisikleta nitong 2021. 33 dito ang namatay habang 1,719 ang sugatan.

Sa mga motorsiklo naman, gas at safety rin ang usapan. Minsan, buong pamilya na ang nasa mga motor dahil para sa kanila, limitado ang kanilang mga opsyon para sa byaheng pampamilya. May mga pagkakataon rin na nakakaramdam ng diskriminasyon ang mga riders sa lansangan dahil sila lagi ang naiipit sa mga checkpoints. Dahil dito, nahuhuli rin sila sa pagpasok at laging naantala ang kanilang mga biyahe.

Kapanalig, ang transportasyon para sa mga ordinaryong manggagawa ng bayan ay dapat bigyan natin ng sapat na atensyon. Dehado sila sa mga lansangan ng bayan, kahit pa mamasahe o mag bike o mag motorsiklo pa sila.  Kailangan nating makalapat ng pro-poor transport programs sa bayan para sa ordinaryong manggagawa, na siyang gulugod ng ating ekonomiya.

Makikita sa transportasyon kapanalig, kung tunay nating nauunawaan ang problema ng kahirapan sa ating bayan. Makikita sa transportasyon kapanalig, kung saan tunay na naka-kiling ang lipunan. Sa pagpapabaya ng pamahalaan sa transportasyon sa maralita, mas nakikita na pabor ang lipunan sa mas nakakaluwag, hindi sa mahirap. Walang espasyo para sa mahirap ang lansangan ng ating mga siyudad. Malayo tayo sa gabay ng panlipunang turo ng Simbahan. Ayon nga sa Economic Justice for All: The way society responds to the needs of the poor through its public policies is the litmus test of its justice or injustice.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 19,623 total reads

 19,623 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 118,396 total reads

 118,396 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 201,426 total reads

 201,426 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 295,758 total reads

 295,758 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 356,643 total reads

 356,643 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 19,625 total reads

 19,625 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 118,398 total reads

 118,398 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 201,428 total reads

 201,428 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 295,760 total reads

 295,760 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »
Scroll to Top