100-araw na maternity leave, suportado ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 305 total views

Suportado ng CBCP – Epicopal Commission on Migrant and Itinerant People ang panukalang inihain ng House Committee on Women and Gender Equality na nagsusulong na habaan ang “maternity leave” at gawing 100 araw.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, dapat bigyang prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga inang nagdadalang – tao sa pagbibigay ng sapat na panahon sa pagliban sa trabaho upang maalagaan ang kanilang sanggol sa sinapupunan.

Nangangamba rin si Bishop Santos na maaaring dumami ang bilang ng mga ina na magkakaroon ng kumplikasyon kung hindi madagdagan ang araw ng pagliban sa trabaho.

Sa ilalim ng Republic Act 1161 o ang Social Security Act of 1997, ang mga buntis ay binibigyan lamang ng 60 – araw na leave sa kanilang normal na panganganak at 78 araw naman para sa mga cesarean section na kung susuriin ay mas mababa sa 98 araw na pamantayang batayan na ibinigay ng I-L-O o International Labor Organization.

“Sa kapakanan ng ina, sa kapakanan ng mga anak na isisilang ay napakaganda na ito ay isabatas. At ito ay malaki ang tulong sa mga nanay at malaki ang tulong sa sanggol. Alam naman natin na 45 days, two months ay kulang na alagaan, ingatan ang mga bata. Sa mga araw at buwan na iyon delikado ang kalagayan ng mga bata at bigyan ng panahon, habaan ang mga araw na sila ay makakapiling ng kanilang mga anak,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabatid batay sa inihaing panukala sa Kongreso at Senado ay mapagkakalooban ang mga manggagawa na buntis sa fully paid na leave habang sa mga pribadong sektor ay kailangang bigyan ng average na buwanang sahod ang mga inang buntis.

Nangangamba naman ang Sub – Committee on Labor and Management Association of the Philippines na sa naturang 100 araw na paid leave ay maaring ikapalya ng mga kumpanya lalo’t halos kalahati ng bilang ng mga manggagawang Pilipino ay kababaihan.

Nauna na ring gumawa ng isang komisyon ang kanyang Kabanalan Francisco upang mas lalong patatagin ang gampanin ng mga kababaihan sa Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 21,365 total views

 21,365 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 49,716 total views

 49,716 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 117,446 total views

 117,446 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 140,597 total views

 140,597 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 209,224 total views

 209,224 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 149,591 total views

 149,591 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 313,436 total views

 313,436 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top