Pairalin ang katarungang panlipunan sa pagpapatupad ng mga bagong polisiya.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,016 total reads

Ito ang mensahe ng Living Laudato Si Philippines sa Department of Transportation (DOTr) matapos ihayag ng kagawaran ang pagsusulong ng ‘Green Transport’ o malinis at sustainable na pamamaraan ng transportasyon.

Patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang Jeepney Modernization Program na papalitan ang mga traditional jeepney ng mga Electric-Jeepneys (E-jeep) na maaring maging hudyat ng pagkawala ng kabuhayan ng maraming Public Utility Vehicle (PUV) drivers.

“It also involves improving accessibility, enhancing accompanying infrastructures such as roads and facilities, educating commuters and motorists about proper behavior on the road, and ensuring that everyone truly benefits from this transition and not just corporations who can afford electric vehicle fleets,”mensahe ni Rodne Galicha – Executive Director ng Living Laudato Si Philippines sa Radio Veritas.

Ayon kay Galicha, bagamat kinikilala ng grupo ang hakbang ng pamahalaan ay dapat maging makatarungan ang pamahalaan at isinaalalang-alang ang kabuhayan ng mga PUV drivers na maapektuhan ng pagbabago.

“The DOTr keeps praising the positives from the PUV Modernization Program, but what about the struggles of jeepney operators and drivers who simply cannot afford the installments they have to pay, let alone keep up with the extremely high oil prices? What about the reality that bicycle culture only took off in the Philippines because the pandemic severely limited the already-inefficient public transport system, especially in Metro Manila?” ayon pa sa mensahe ni Galicha

Inihayag rin ng Living Laudato Si ang kahandaan kasama ang iba pang relihiyisong grupo na tiyaking mayroong kabuhayan ang maraming manggagawa kapag ipatupad ang programa.

Unang pinahayag ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na mayorya ng may 60-libong miyembro ng samahan sa Metro Manila ang tumigil na sa pamamasada dahil sa napakataas na presyo ng gasolina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 78,081 total reads

 78,081 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 118,640 total reads

 118,640 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 141,804 total reads

 141,804 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 190,072 total reads

 190,072 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 209,112 total reads

 209,112 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top