Pagsingil ng generation cost ng MERALCO sa mga consumer, ikinadismaya ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 798 total reads

Ikinadismaya ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang panibagong pagtataas ng singil sa kuryente ng mga konsyumer sa National Capital Region (NCR) at iba pang karatig lalawigan.

Ayon sa Obispo, hindi makatarungan na sisingilin sa mga consumer ang generation cost ng Manila Electric Company (MERALCO) noon taong 2013.

“How can they operate & pay their own people kung ang pautang ay napakalaki? Malaki siguro ang kita ng MERALCO pati na ang mga supplier nito, how can both operate with a huge amount of pautang? And for many years? Hindi pa pumapasok dito mga consumers,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Ipinapanalangin din ng Obispo na magkaroon pa rin ng pamaaraaan ang may mga pananagutan na malutas ang panibagong pasanin ng mamamayan na dumaranas ng kahirapan dahil sa napakataas na presyo ng mga bilihin.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng National Association of Electricity Consumer for Reform (NASECORE) ng mga hakbang na pipigilan ang nakatakdang pagtataas sa singil ng MERALCO.

“We’ll file Motion for Reconsideration today with the SC, Di tayo dapat mabahala dahil sa mas malaki ang Energy Regulatory Commission (ERC) order para sa Meralco refund na halos P50B,” mensahe ni Pete Ilagan – Pangulo ng NASECORE sa Radio Veritas.

2013 ng isulong ng Manila Electric Company (MERALCO) sa ERC ang layuning masingil sa mga konsyumer ang 22.64-bilyong pisong generation cost bunsod ng mga naganap na pagtigil sa operasyon ng mga planta ng enerhiya na pinagkukuhaan ng suplay ng MERALCO.

Bagamat naantala ng mahigit siyam na taon ang proseso, Hunyo 2022 ng aprubahan ng Korte Suprema na masingil ang halaga sa pamamagitan ng dahan-dahang pagtataas ng presyo sa buwanang singil sa kuryente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 28,087 total reads

 28,087 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 112,203 total reads

 112,203 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 206,534 total reads

 206,534 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 268,220 total reads

 268,220 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 312,596 total reads

 312,596 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top