Pagkakaroon muli ng BS Nursing program, suportado ng PNA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 512 total reads

Suportado ng Philippine Nurses Association, Inc. (PNA) ang pagsasawalang-bisa ng labing-isang taong moratorium na nagpaliban sa mga colleges at universities na mag-alok ng mga programang Nursing sa bansa.

Ayon kay Melvin Miranda-pangulo ng P-N-A, magandang hakbang ang desisyon ng Comission on Higher Education (CHED) sa pagkakaroon muli ng BS Nursing program sa mga Higher Education Institutions (HEIs).

Naniniwala ang P-N-A na ang pagtanggal ng moratorium ay bunga ng masusing pag-aaral at talakayan ng CHED en banc, kasama ng CHED technical panel on Nursing education.

Bagamat magbibigay daan ito sa pag-unlad ng sektor ng pangkalusugan sa bansa, hiling ni Miranda na bigyang pansin ang mga dahilan kung bakit ipinatupad ang moratorium.

“However, let’s go back of why nagkaroon tayo ng declaration of moratorium noon tulad sa kalidad, sa oversupply, sa performance ng ating mga graduates sa Nurse Licensure Examination, at sa ika-apat po na na-mention rin ng Comission on Higher Education is ‘yung nagkakaroon ng training fee sa mga graduate o registered nurses na pumapasok as entry sa employment ng hospital,” pahayag ni Miranda sa panayam ng Radio Veritas.

Taong 2011, sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Benigno C. Aquino III, nang ideklara ng CHED ang ban dahil sa oversupply ng mga nursing graduates na may mahigit sa 200,000 mga unemployed nurses.

Pahayag ni Miranda, naging problema ang pagtaas ng supply ng mga nursing graduates sa bansa dahil kakaunti lamang ang demand ng trabaho sa Pilipinas kung kaya’t mas pinipili ng maraming healthcare workers na mangibang-bansa.

“So, we are considering sa data analytics din po ng supply and demand sa country as of December 2021 din ‘yung concern po natin sa supply and demand meron tayong oversupply pero ‘yung demand naman dito sa Pilipinas ay nagkukulang dahil [mostly] it is related to the contractualization, second is ‘yung related din sa limited plantilla that are being offered by the government and local government unit,” ayon pa sa pangulo ng PNA.

Ayon sa CHED, pahihintulutang muli ang mga HEIs na mag-alok ng Nursing programs bilang tugon sa kakulangan ng mga healthcare workers habang patuloy na kinakaharap ng bansa ang umiiral na pandemya.

Bukod sa kakulangan ng healthcare workers, nakikita ring dahilan ng CHED sa pag-alis ng moratorium ang unequal distribution ng mga HEIs na nag-aalok ng mga nursing program sa malalayong rehiyon, tulad ng Caraga (Region 13) na may talong pribadong HEIs lamang na nag-aalok ng nursing mula sa higit tatlong daang institusyon na may BSN program sa buong bansa. | with News Intern Cris Agustin

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 7,244 total reads

 7,244 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 63,349 total reads

 63,349 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 100,138 total reads

 100,138 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 132,185 total reads

 132,185 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 182,610 total reads

 182,610 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 244,223 total reads

 244,223 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top