Kapakanan ng mga Filipino, isaalang-alang sa pakikipagrelasyon sa iba’t-ibang bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total reads

Mahalagang ikonsidera ng pamahalaan ang makabubuti sa kapakanan ng lahat ng mga Filipino na maaring maapektuhan ng mga desisyon at pakikipag-ugnayan nito sa iba’t-ibang bansa.

Ito ang panawagan ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez – Chairman ng Ecumenical Bishops Forum sa kasalukuyang administrasyon matapos ang naging kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagputol ng relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos sa larangan ng ekonomiya at maging mga kasunduang pang-militar.

“Tayo ay bahagi talaga ng isang international community kaya meron tayong dapat na maging patakaran para sa ating pakikipag-isa sa kanila at lagi nating hanapin yung nilalayon natin ang kabutihan at nung bansa na ating pinakikitunguhan, sana ito ay talagang mapag-aralan natin at mahanap natin yung talagang ikabubuti nung lahat ng mga nasasangkot…”pahayag ni Bishop Iniguez sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo, bahagi ang Pilipinas ng isang progresibong international community kaya’t marapat lamang na maging maingat ang ating mga opisyal sa pakikitungo bilang kinatawan at pinuno ng Pilipinas lalo’t maraming mga Filipino ang naghahanap buhay at naninirahan sa iba’t ibang bansa ang maaring maapektuhan.

Kaugnay nito, nasa Pilipinas ngayon si United States (US) Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Daniel R. Russel na inaasahang makikipagpulong sa ilang mga opisyal ng pamahalaan upang linawin ang mga naging pahayag ng Pangulo kamakaialan lamang.

Sa kasalukuyan nasa 4.7-bilyong dolyar ang US direct investments sa Pilipinas, habang tinatayang aabot naman sa 1.8-milyon ang bilang ng mga Filipino Immigrants sa America na sinasabing pang-apat sa may pinakamalaking bilang ng Immigrant population sa United States noong 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 28,925 total reads

 28,925 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 115,242 total reads

 115,242 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 161,981 total reads

 161,981 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 209,853 total reads

 209,853 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 312,389 total reads

 312,389 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top