Maging tagapakinig, misyon ng Pastoral Communication Research Institute

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total views

Isulong ang katotohanan at maging tagapakinig ng saloobin ng mamamayan sa lipunan.

Ito ang pangunahing layunin ng inilunsad ng Diocese of Kalookan na Pastoral Communication Research Institute upang labanan ang lumalaganap na ‘disinformation’.

Ayon sa pamunuan ng diyosesis, nakababahala ang paglaganap ng “disinformation’ sa lipunan na nakapagdudulot ng paglayo sa katotohanan ng taumbayan.

Pinangunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang paglulunsad ng Pastoral Communication Research Institute ng diyosesis kung saan binigyang diin nito na dapat aktibong isulong ng Simbahan ang katotohanan sa lahat ng aspekto ng buhay.

Alinsunod ang konsepto ng Pastoral Communication Research Institute ng diyosesis sa panawagang synodality ng Santo Papa Francisco at kultura ng pakikipagdayalogo na naglalayong magabayan ang Simbahan upang higit na maging epektibong tagapagpalaganap ng ebanghelyo sa pamamagitan ng pagwaksi ng anumang kasinungalingan at maling impormasyon.

“Ito po ay isang pagtugon sa panawagan ni Pope Francis na ang Simbahan hindi siya dapat nakatutok sa sarili kundi sa daigdig sa lipunan at hindi tayo magiging effective sa pagko-communicate natin ng mensahe ng Mabuting Balita kung hindi natin kilala ang ating kausap napakahalaga na makinig, ‘nasaan sila, anong sitwasyon nila’ at itong nakaraang Synod on Synodality siguro ito yung isa sa pinaka-kongkretong ibinunga niya dito sa amin sa Diocese of Kalookan.”pahayag ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa panayam sa Radio Veritas.

Kasabay ng paglulusad at pagpapakilala sa mga bubuo at magiging kasapi ng Pastoral Communication Research Institute ng diyosesis ay pinangunahan rin ni Bishop David ang oath taking at commissioning ng mga ito sa pamamagitan ng isang banal na misa.

Nanawagan naman si Bishop David sa mga mananampalataya ng diyosesis na aktibong makibahagi sa mga isasagawang pagsusuri at pag-aaral ng Pastoral Communication Research Institute sa hinaharap upang magkaroon ng kongkretong datos ang diyosesis sa kasalukuyang sitwasyon at kalagayan ng mga binyagang Katoliko sa Diyosesis ng Kalookan.

Pagbabahagi ng Obispo, napapanahon na upang higit na magamit ng Simbahan ang digital technology sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na system of registration ng mga Katoliko para sa higit na pagpapalakas sa misyon ng Simbahan bilang tagapagpalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

“Ang pinakaunang panawagan ko ay maki-cooperate sa ating mga researchers dahil sisimulan din natin ang pagkokolekta ng data ng ating mga baptized Catholics sa buong Diocese of Kalookan at mahalaga ito para magkaroon ng direct communication talaga yung parokya with the parishioners kasi walang system of registration kasi ang Catholic Church hanggang ngayon in the age of digital technology kaya it’s about time, it’s about time na talagang i-take advantage naman natin yung blessing of digital technology.” Dagdag pa ni Bishop David.

Kabilang sa mga programa ng Pastoral Communication Research Institute ng Diyosesis ng Kalookan ay ang Vox Populi Survey kung saan inaasahan ang pagsasagawa ng quantitative research na naglalayong kunin ang pulso ng bayan partikular na ang mga mananampalataya kaugnay sa iba’t ibang mga socio-pastoral trend sa lipunan; ang Ulat Simbahayan kung saan susuriin sa pamamagitan ng quantitative at qualitative research ang pag-uugali at saloobin ng mga partikular na grupo ng mga mananampalataya kaugnay sa mga programa at pastoral works ng Simbahan na maaring makaapekto sa kanilang socio-political at pang-espiritwal na buhay.

Kabilang din sa magiging programa ng Pastoral Communication Research Institute ay ang pagkakaloob ng edukasyon at pagsasanay sa mga miyembro ng social communications ministries ng Simbahan upang higit na mapalawig ang kanilang mga programa para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo; at ang pagkakaloob ng Research Grants sa dalawa hanggang 3 researchers o mananaliksik na nagnanais na magsagawa ng pagsusuri o pag-aaral sa ilalim ng paggabay ng institusyon ng Diyosesis ng Kalookan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 17,620 total views

 17,620 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 47,843 total views

 47,843 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 74,494 total views

 74,494 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 169,467 total views

 169,467 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 189,597 total views

 189,597 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top