Diocese of Kalookan, nagpapasalamat sa suporta ng Holy See

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 693 total reads

Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Kalookan sa ipinaabot na suporta ng Dicastery for Communication of the Holy See sa inilunsad ng diyosesis na Pastoral Communication Research Institute.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), higit na napag-alab ng suporta ng Dicastery for Communication of the Holy See ang misyon at adbokasiya ng diyosesis na mapalaganap ang katotohanan sa pamamagitan ng Pastoral Communication Research Institute na maging kaagapay ng Simbahan sa pakikinig sa mga saloobin ng mamamayan.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalaga ang patuloy na paggabay at suporta ng Holy See sa mga simpleng programa ng maliliit na diyosesis sa iba’t ibang bansa na naglalayong mapalakas pa ang misyon ng Simbahan bilang tagapagpalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

“Alam niyo nagulat ako I did not even know na nag-communicate pala yung Dicastery for Social Communication at straight from the Vatican very encouraging. Napaka-encouraging talaga nila they really try to keep tract sa mga social communications developments sa mga dioceses all over the world kaya tuwang-tuwa ako when I saw the letter of support.” pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, dahil sa suporta at pagkilala ng Dicastery for Communication of the Holy See sa inisyatibo ng diyosesis ay nabigyan ng mas malawak na kahalagahan ang misyon ng Pastoral Communication Research Institute na maging tagapagkinig ng Simbahan sa kasalukuyang lipunan.

“Binigyan niya ng global significance itong aming munting diocese, parang it’s very humbling like small diocese like Kalookan would even be notice by the Dicastery ng Roma on Social Communications, but the world is really getting smaller and I think talagang napaka-closely in-touch nila sa mga developments sa mga local church all over the world.” Dagdag pa ni Bishop David.

Ayon sa opisyal ng Dicastery for Communication of the Holy See, mahalaga ang iba’t ibang mga inisyatibo at pagsusumikap ng bawat diyosesis upang higit na mapag-alab ang misyon ng Simbahan alinsunod na rin sa panawagan ng Santo Papa Francisco na maging bukas ang Simbahan sa pakikinig at pakikipagdayalo tungo sa pagkakaroon ng ganap na pakikipag-ugnayan sa bawat isa sa lipunan.

Unang inihayag ni Bishop David na ang konsepto ng Pastoral Communication Research Institute ng diyosesis ay bilang tugon sa panawagang synodality ng Santo Papa Francisco at kultura ng pakikipagdayalogo na naglalayong magabayan ang Simbahan upang higit na maging epektibong tagapagpalaganap ng ebanghelyo upang mawaksi ang kasinungalingan at partikular na ang disinformation sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,599 total reads

 77,599 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,290 total reads

 112,290 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,590 total reads

 147,590 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,859 total reads

 373,859 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,061 total reads

 263,061 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top