Tuluran si venerable Teofilo Camomot, panawagan ng Papal Nuncio to the Philippines sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,227 total reads

Hinimok ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mananampalataya na tularan ang mga gawi ni Venerable Teofilo Camomot.

Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, maganda ang mga halimbawang iniwan ng dating arsobispo lalo na ang pagmalasakit sa mga mahihirap at pagtataguyod sa misyon ni Hesus bilang lingkod ng simbahan.

“His [Venerable Teofilo Camomot] tremendous love for the poor, his deep spritiuality, for his amazing life of prayer, he is a figure that all of us can imitate especially priests and bishops, imitation of being a good shepherd,” mensahe ni Archbishop Brown.

Ang mensahe ng nuncio ay kasabay ng isinagawang thanksgiving and promulgation ng decree sa heroic virtues ang unang hakbang upang ganap na maging banal si Venerable Teofilo.

Pinangunahan ni Archbishop Brown ang pagdiriwang na inilarawang kahanga-hanga ang mga kuwento sa katangian ng namayapang arsobispo lalo na sa paglilingkod sa pamayanan.

Sa homiliya ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan, pinuri ang pagiging payak ni Venerable Teofilo at malalim na pagmamahal sa Panginoon at sa kawang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.

“Archbishop Camomot was a loving and caring pastor. He often visited home of his parishioners, and got in touch with their lives, especially of the poor. He was humble as a person, and practiced self-denial, coupled with his steadfastness in prayer. He lived simply,” ani Archbishop Cabantan.

Ikatlo ng Mayo ng aprubahan ni Pope Francis ang decree sa heroic virtues ni Venerable Teofilo.

Dumalo sa pagtitipon sa Daughters of St. Teresa sa Cebu ang daan-daang deboto ni Venerable Teofilo gayundin ang mga pari at obispo mula sa mga karatig lalawigan lalo na sa Archdiocese of Jaro at Archdiocese of Cagayan De Oro na pinaglingkuran ni Venerable Camomot noong nabubuhay pa.

September 1988 nang nasawi sa vehicular accident ang arsobispo at binuksan ang proseso sa pagiging banal noong 2010 sa pangunguna ni noo’y Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.

Sa kasalukuyan sinimulan na rin ang imbestigasyon ng mga Catholic Doctors para sa isang himala na kinakailangan para sa beatipikasyon ni Venerable Teofilo Camomot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,146 total reads

 41,146 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,154 total reads

 121,154 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,601 total reads

 154,601 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,900 total reads

 189,900 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,872 total reads

 414,872 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top