Kabataan at ang Makabagong Ekonomiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,158 total reads

Kapanalig, ang ating mundo ngayon ay digital na. Halos lahat na ng ating mga transaksyon ngayon ay ginagawa natin gamit ang mga online platforms. Sa gitna ng mabilis na pagbabago sa daloy ng mga transaksyon sa bansa, handa na ba ang ating mga kabataan?

Ang mga kabataan sa ating bansa ay maituturing natin na isa sa mga internet savvy sa buong mundo. Kita naman natin, tunay na digital na ang kanilang mga karaniwang pastime o libangan – mula sa online games hanggang sa panonood ng Netflix. Digital din ang kanilang shopping – mapa Lazada man yan o Shopee. Kaya lamang, kapanalig, pagdating sa mundo ng trabaho, digital pa rin ba ang mga kabataan natin? O mga digital consumers lang talaga sila, at hindi ba digital-ready workers?

Ayon sa The Future of Work in the Philippines: Assessing the impact of technological changes on occupations and sectors ng International Labour Organization, malaking porsyento ng mga kabataan na may edad 10 to 14 ay papasok na sa working age population pagdating ng 2025. Ang mga kabataang ito ay pumagitna sa panahon ng pandemya, kung kailan napilitang maging online ang edukasyon sa bansa. At alam naman natin kapanalig, na hindi lahat ay nabiyayaan na magkaroon ng access sa Internet o gadgets, na maari sanang makapaghanda sa kanila sa napipintong pagpasok nila sa work force ng bansa.

Ayon naman sa Jobs Market and Skills Demand for the Future, marami sa mga marginalized youth sa ASEAN ang kulang pa sa kakayahan na kailangan para sa digital economy. Tinatayang mga 47.8% ng kanilang mga nasurvey sa ASEAN ay kulang ang kasanayan para sa mga basic work software. 72.2% ang wala o mababa ang lebel sa advanced digital skills.

Kapanalig, kung akala natin handa na ang ating mga kabataan para sa digital world of work, nagkakamali tayo. Hindi sapat ang kanilang kasanayan sa pag-access ng social media, paglalaro ng online games, o pag-o-online shopping upang maging matagumpay sa mga bagong trabahong kanilang haharapin. Hindi sapat ang kagalingan sa pagti-tiktok upang masiguro na may trabaho silang makukuha matapos ang kanilang aralin.

Napakaraming kabataan ang kailangan nating ihanda para sa digital world of work ngayon. Marami sa kanila, lalo na ang mga nasa labor force na, ang nasanay na sa manual na trabaho sa services at informal sector, kaya’t  kailangan natin silang mai-transisyon sa mga makabagong uri ng trabaho na magiging mas in-demand sa darating na panahon. Kailangang magawa ito dahil marami ring trabaho ang maaaring ma-automate ngayon, at kung hindi sila handa, maaari silang mawalan ng pagkakakitaan.

Malaking hamon ito para kasalukuyang administrasyon. Ito ay isa sa mga pinaka-mahalagang task o gawain na kailangan niyang mapagtagumpayan para masiguro ang kinabukasan ng bayan. Sabi nga sa Pacem in Terris: The government should make effective efforts to see that those who are able to work can find employment.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 76,548 total reads

 76,548 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,321 total reads

 111,321 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,621 total reads

 146,621 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,890 total reads

 372,890 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,145 total reads

 262,145 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 76,549 total reads

 76,549 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,322 total reads

 111,322 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,622 total reads

 146,622 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,891 total reads

 372,891 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top