Pagmamahal sa bayan o bulag na pagsunod?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 873 total reads

Mga Kapanalig, sa kanyang unang State of the Nation Address (o SONA), sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na prayoridad ng administrasyon niya ang pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (o ROTC) program sa senior high school o Grades 11 at 12. Sa ngayon ay optional ito sa ilalim ng National Service Training Program (o NSTP).

Hindi nakagugulat ang pahayag na ito dahil isinusulong din ito ni Vice President at ngayon ay Education Secretary Sara Duterte. Nakababahalang sa dami ng mga isyung kinakaharap ng mga estudyante, ang pagbabalik ng ROTC ang nakitang dapat unahin. Ayon sa pangulo, ang layunin ng mandatory ng ROTC sa mga pampubliko at pribadong senior high schools ay upang bigyang-motibasyon, hasain, organisahin, at mobilisahin ang mga mag-aaral para sa national defense, kabilang ang paghahanda sa panahon ng sakuna at pagbibigay-kapasidad upang tumugon sa iba pang risk-related situations. Sinabi ng DepEd na alinsunod ang ROTC sa kagustuhan ng pangulong palakasin ang pagiging makabansa o nationalistic ng mga kabataan. Ito rin ang tingin ni National Youth Commission (o NYC) Chairman Ronald Cardema. Kailangan daw ang mandatory ROTC dahil makabubuti raw ang pagsasanay sa disaster preparedness kung ang oryentasyon ng mga kabataan ay katulad ng isang military unit.

Kung babalikan, tinanggal ang mandatory ROTC noong 2001 matapos ang pagkamatay ng ROTC cadet na si Mark Welson Chua ng University of Santo Tomas. Ito ay matapos niyang isiwalat ang korapsyon sa loob ng institusyon, at iniuugnay nga rito ang pagpatay sa kanya. Dahil dito, isinabatas ang NSTP sa pagkilalang maaaring makapaglingkod sa bayan at mapaigting ang pagiging makabayan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagsisilbi sa komunidad (sa ilalim ng Civic Welfare Training Service) at ng pagtuturo sa mga malalayong lugar o sa mga walang access sa edukasyon (sa ilalim naman ng Literacy Training Service). Samakatuwid, hindi lamang ang kahandaan at kakayahang humawak ng armas ang paraan upang ipakita ang pagmamahal sa bayan.

Ito ang idinidiin ng mga tumututol sa pagbabalik ng mandatory ROTC. Sinabi ni Senadora Risa Hontiveros, ang ROTC ay isang programang napatunayang hindi optimal na nakapagtuturo ng pagmamahal sa bayan. Dagdag pa ni Carlos Zarate ng grupong Bayan Muna, ang boluntarismo sa panahon ng sakuna ay makapagtuturo din ng pagiging makabayan.

Para naman sa Child Rights Network (o CRN), ang pinakamalaking alyansa ng mga NGOs na nagsusulong karapatang pambata sa Pilipinas, hindi dapat isailalim sa mandatory military training ang mga senior high school students na edad 16 o 17 dahil ilalantad nito ang mga bata sa pang-aabusong naranasan na dati ng mga sumailalim dito. Paglabag din ito sa ating obligasyon sa United Nations Convention on the Rights of the Child (o UNCRC) Optional Protocol on Children in Armed Conflict kung saan inaasahan tayong magtaguyod ng peace-building education sa halip na pagtatanim ng militarismo sa isipan ng mga bata.

Ang ating Santa Iglesia ay naniniwalang ang mga bata ay kailangang alalayan sa kanilang paglaki, at ito ang papel ng edukasyon. Ngunit hindi dapat nakabatay ang edukasyon sa paggamit ng dahas o armas at sa pagtuturo ng bulag na pagsunod. Ito ay dapat kumikilala sa kanilang karapatan at kalayaang gumawa ng matalinong desisyon. Sabi nga sa Amoris Laetitia, isang Catholic social teaching, “Education includes encouraging the responsible use of freedom to face issues with good sense and intelligence.”

Mga Kapanalig, huwag nating kalimutan ang sinabi sa Mga Kawikaan 22:6, “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki’y ‘di niya ito malilimutan.” Kung tuturuan natin ang mga bata na maging makabansa batay sa kapayapaan at kanilang mga karapatan, ang mga ito ang dadalhin nila sa kanilang pagtanda.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,207 total reads

 84,207 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,378 total reads

 118,378 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,678 total reads

 153,678 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,947 total reads

 379,947 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,883 total reads

 268,883 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 84,208 total reads

 84,208 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,379 total reads

 118,379 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,679 total reads

 153,679 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,948 total reads

 379,948 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top