Isang Pilipino, napabilang sa Pontifical Swiss Guard sa Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 969 total reads

Ikinagalak ng Pontificio Collegio Filippino ang pagkakatalaga ng isang Pilipino sa hanay ng Pontifical Swiss Guard sa Vatican.

Ayon kay Father Gregory Ramon Gaston, Rector ng institusyon, kahanga-hanga na bilang kapwa Pilipino ay aktibo ito sa mga kilalang samahan sa ibayong dagat na isang uri ng paglilingkod sa simbahang katolika.

Ngayong taon ay pormal nang napabilang sa Swiss Guard si Sebastian Esai Eco Eviota kasunod ng sulat mula kay Swiss Guard commander Christoph Graf noong January 17, 2022.

“We are happy to see children of Filipinos incorporated into the Church and society abroad,” pahayag ni Fr. Gaston sa panayam ng Radio Veritas.
Si Eviota na tubong Davao City ay aktibo na sa paglilingkod sa iba’t ibang ministry ng simbahan.

Ipinaliwanag ni Fr. Gaston na ang pagkakabilang ng mga Pilipino sa Swiss Guard ay patunay ng malawak na pagmimisyon ng Pilipino bilang mga kristiyano lalo’t ang Pilipinas ang ikatlo sa mga bansang may pinakamaraming binyagang katoliko na mahigit 80-milyon.

“As we begin the next 500 Years of Christianity in the Philippines, the service of those with Filipino roots in the Pontifical Swiss Guards and in the Vatican as a whole is yet another manifestation that indeed we are gifted to give of ourselves wherever God has called us to be,” ani Fr. Gaston.

Si Eviota ang ikalawang Pilipinong napabilang sa Pontifical Swiss Guard kasunod ni Swiss-Filipino Vincent Lüthi subalit kauna-unahang full-blooded Filipino.

Ang ama ni Eviota na si Diomedes Eviota Jr. ay nagmula sa Surigao City habang ang kanyang ina na si Editha Eco ay mula naman sa Agusan Del Sur.

Ilan sa mga kinakailangan upang mapabilang sa Swiss Guard ay ang pagiging mamamayan ng Switzerland, Catholic, wala pang asawa, nasa edad 19 hanggang 30 taong gulang at kasapi ng Swiss Army.
Taong 2009 nang lisanin ni Eviota ang Pilipinas at nagtungo sa Switzerland kung saan naging aktibo sa Youths for Christ (YFC) Europe at council member ng English-speaking Roman Catholic Community of Canton Berne.

Naging second Lieutenant ng Swiss Army si Eviota makaraang matapos ang dalawang taong basic training at naglingkod sa Infantry 13th Battalion.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 80,725 total reads

 80,725 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,202 total reads

 115,202 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 150,502 total reads

 150,502 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 376,771 total reads

 376,771 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 265,836 total reads

 265,836 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top