Kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang kahirapan, binatikos ng KADAMAY

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 892 total reads

Ikinadismaya ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang lumalalang krisis ng kahirapan sa Pilipinas.

Ayon kay Eufemia Doringo – Secretary General ng KADAMAY, ang kakulangan ng pamahalaan na alamin ang dinaranas na kahirapan dulot ng pandemya at krisis sa ekonomiya ang sanhi ng patuloy na pagdami ng mga mahihirap na pamilya sa bansa.

“Parami nang parami ang nagugutom at mahihirap, ang hindi maunawaan ng mga nasa Malacañang, iba ang kalam ng sikmura ng ordinaryong tao, sila kapag nagutom, dahil lang may “cravings” sila, Kami, dahil wala talagang makain,” pahayag ni Doringo sa Radio Veritas.

Sa pinakahuling Social Weather Station survey, umaabot na sa 12.2-milyong pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap noong Hunyo 2022.

Kinundena rin ng KADAMAY ang patuloy na pagbabawas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na umabot sa 1.3-milyong pamilya at patuloy na pagdadagdag ng buwis sa mga bilihin at serbisyo.

“Maraming numero na binanggit si Marcos nung SONA, pero wala tayong narinig na numero para sa serbisyong sosyal. Magpa-update na lang ba sila habang nagdurusa ang mamamayan?,” ayon pa sa mensahe ni Doringo sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ng KADAMAY ang pagpapatuloy ng mga programa upang matulungan ang urban poor families sa pamamagitan ng programang ‘Tanimang Bayan’ – Urban Gardening’ at ‘Kusinang Bayan’ titiyak na mayroong pagkain ang mahihirap.

Patuloy naman ang pagtugon ng Caritas Manila at iba pang church institutions sa pangangailangan ng mahihirap na pamilya. Sa pagsisimula ng pandemya noong 2020 hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 2.5-bilyong piso ang nailaan na pondo ng Social Arm ng Archdiocese of Manila upang matulungan ang mahihirap at ang mga nasalanta ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,926 total reads

 78,926 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 113,525 total reads

 113,525 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,825 total reads

 148,825 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,094 total reads

 375,094 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,235 total reads

 264,235 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top