Pagtatag ng Prison Ministry sa bawat Diyosesis, hamon sa CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,054 total reads

Ang misyon at tungkuling ginagampanan ng Prison Ministry ng Simbahan ay isang kongkretong pagpapamalas ng ‘synodality act’ para sa mga bilanggo.

Ito ang ibinahagi ni Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa online program ng kumisyon na ‘Narito ako, Kaibigan mo!’ na pakikiisa at pakikinig sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo.

“Ang ginagawa natin sa Prison Ministry is a real synodality act na nakikiisa tayo, nakikinig tayo sa mga PDLs.”pahayag ni Bishop Baylon.

Ayon sa Obispo, tugmang tugma ang panawagan ng Synod on Synodality ng Santo Papa Francisco sa pakikiisa at pakikinig ng Prison Ministry ng Simbahan sa mga hinaing, kalagayan at panawagan ng mga bilanggo.

Aminado naman si Bishop Baylon sa pagkukulang ng Simbahan kung saan mas higit na marami ang mga layko na naglilingkod bilang Volunteer in Prison Service (VIPS) kaysa sa mga Pari.

“Tugmang tugma itong Synod on Synodality sa ginagawa natin sa Prison Ministry kasi kung titingnan natin interpretasyon natin ito mga ginagawa nandun na ginagawa na talaga natin kaya lang, yun nga nakasanayan na natin na ibinibigay natin ito sa karamihan sa mga layko, mga VIPS [Volunteer in Prison Service], iilan lang talaga ang pari na nandito sa ministry na ito.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Inihayag ni Bishop Baylon na isa sa mga hamon ng komisyon na makumbinsi ang mga Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis na magtatag ng prison ministry para sa kapakanan ng mga bilanggo.

“Isa ito sa mga challenges natin sa komisyon, na we encourage the Bishops to identify priests to be part of the ministry ngayon kung talagang gusto nating seryosohin itong Synod on Synodality na ito. Isa ito sa mga aspektong dapat pagtuunan ng pansin, ang Prison Ministry sa mga diyosesis. pahayag ni Baylon

Taong 1975 ng itinatag ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na nagsisilbing daluyan ng biyaya ng Panginoon para sa mga bilanggo.
Sa kasalukuyan maroong 86 na unit of volunteers ang Simbahan mula sa iba’t ibang diyosesis na mayroong 20 hanggang 100 prison volunteers na nakatalaga sa bawat bilanguan.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilanguan ang dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 23,027 total reads

 23,027 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 43,787 total reads

 43,787 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 81,165 total reads

 81,165 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 112,433 total reads

 112,433 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 186,884 total reads

 186,884 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 278,945 total reads

 278,945 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 27,425 total reads

 27,425 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top