Pagmamahal sa bayan o bulag na pagsunod?

SHARE THE TRUTH

 500 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang unang State of the Nation Address (o SONA), sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na prayoridad ng administrasyon niya ang pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (o ROTC) program sa senior high school o Grades 11 at 12. Sa ngayon ay optional ito sa ilalim ng National Service Training Program (o NSTP).

Hindi nakagugulat ang pahayag na ito dahil isinusulong din ito ni Vice President at ngayon ay Education Secretary Sara Duterte. Nakababahalang sa dami ng mga isyung kinakaharap ng mga estudyante, ang pagbabalik ng ROTC ang nakitang dapat unahin. Ayon sa pangulo, ang layunin ng mandatory ng ROTC sa mga pampubliko at pribadong senior high schools ay upang bigyang-motibasyon, hasain, organisahin, at mobilisahin ang mga mag-aaral para sa national defense, kabilang ang paghahanda sa panahon ng sakuna at pagbibigay-kapasidad upang tumugon sa iba pang risk-related situations. Sinabi ng DepEd na alinsunod ang ROTC sa kagustuhan ng pangulong palakasin ang pagiging makabansa o nationalistic ng mga kabataan. Ito rin ang tingin ni National Youth Commission (o NYC) Chairman Ronald Cardema. Kailangan daw ang mandatory ROTC dahil makabubuti raw ang pagsasanay sa disaster preparedness kung ang oryentasyon ng mga kabataan ay katulad ng isang military unit.

Kung babalikan, tinanggal ang mandatory ROTC noong 2001 matapos ang pagkamatay ng ROTC cadet na si Mark Welson Chua ng University of Santo Tomas. Ito ay matapos niyang isiwalat ang korapsyon sa loob ng institusyon, at iniuugnay nga rito ang pagpatay sa kanya. Dahil dito, isinabatas ang NSTP sa pagkilalang maaaring makapaglingkod sa bayan at mapaigting ang pagiging makabayan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagsisilbi sa komunidad (sa ilalim ng Civic Welfare Training Service) at ng pagtuturo sa mga malalayong lugar o sa mga walang access sa edukasyon (sa ilalim naman ng Literacy Training Service). Samakatuwid, hindi lamang ang kahandaan at kakayahang humawak ng armas ang paraan upang ipakita ang pagmamahal sa bayan.

Ito ang idinidiin ng mga tumututol sa pagbabalik ng mandatory ROTC. Sinabi ni Senadora Risa Hontiveros, ang ROTC ay isang programang napatunayang hindi optimal na nakapagtuturo ng pagmamahal sa bayan. Dagdag pa ni Carlos Zarate ng grupong Bayan Muna, ang boluntarismo sa panahon ng sakuna ay makapagtuturo din ng pagiging makabayan.

Para naman sa Child Rights Network (o CRN), ang pinakamalaking alyansa ng mga NGOs na nagsusulong karapatang pambata sa Pilipinas, hindi dapat isailalim sa mandatory military training ang mga senior high school students na edad 16 o 17 dahil ilalantad nito ang mga bata sa pang-aabusong naranasan na dati ng mga sumailalim dito. Paglabag din ito sa ating obligasyon sa United Nations Convention on the Rights of the Child (o UNCRC) Optional Protocol on Children in Armed Conflict kung saan inaasahan tayong magtaguyod ng peace-building education sa halip na pagtatanim ng militarismo sa isipan ng mga bata.

Ang ating Santa Iglesia ay naniniwalang ang mga bata ay kailangang alalayan sa kanilang paglaki, at ito ang papel ng edukasyon. Ngunit hindi dapat nakabatay ang edukasyon sa paggamit ng dahas o armas at sa pagtuturo ng bulag na pagsunod. Ito ay dapat kumikilala sa kanilang karapatan at kalayaang gumawa ng matalinong desisyon. Sabi nga sa Amoris Laetitia, isang Catholic social teaching, “Education includes encouraging the responsible use of freedom to face issues with good sense and intelligence.”

Mga Kapanalig, huwag nating kalimutan ang sinabi sa Mga Kawikaan 22:6, “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki’y ‘di niya ito malilimutan.” Kung tuturuan natin ang mga bata na maging makabansa batay sa kapayapaan at kanilang mga karapatan, ang mga ito ang dadalhin nila sa kanilang pagtanda.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 61,277 total views

 61,277 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 65,256 total views

 65,256 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 76,148 total views

 76,148 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 88,590 total views

 88,590 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 99,352 total views

 99,352 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 61,278 total views

 61,278 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 65,257 total views

 65,257 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 76,149 total views

 76,149 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 88,591 total views

 88,591 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 99,353 total views

 99,353 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,302 total views

 51,302 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 50,847 total views

 50,847 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,071 total views

 53,071 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,571 total views

 46,571 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 45,922 total views

 45,922 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 51,790 total views

 51,790 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,536 total views

 55,536 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,486 total views

 61,486 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,673 total views

 41,673 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 52,792 total views

 52,792 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top