Pagbabalik Respeto sa Kapulisan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 531 total views

Kapanalig, ang pagkakaroon ng bagong administrasyon ngayon ay isang golden opportunity upang mapanumbalik ang respeto ng ating lipunan sa mga kapulisan.

Matapos ng madugong drug war ng nakaraang administrasyon, napaka-sarap lasapin ang katahimikan ngayon. Lipas na ang mga araw na laging headline ang pagpatay ng maralita sa ngalan ng droga, na sana ay hindi na maulit. Ang katahimikang ito ay pagkakataon para sa bagong simula para sa ating mga kapulisan. Pagkakataon ito na maitaas pa ang kanilang trust rating. Nitong Agosto noong nakaraang taon, ang PNP ay isa sa mga may pinaka-mababang approval rating sa mga ahensya ng gobyerno. Nasa 27% lamang ang approval rating nito, ayon sa survey ng Publicus Asia.

Paano ba maibabalik ang respeto at tiwala ng mga mamamayan sa kapulisan?

Isa sa mga paraan upang magawa nila ito ay ang paglilinis ng mga tauhan sa kanilang hanay at dagdag na pagsasanay hindi lamang sa peace and order, kundi sa mga tema gaya ng gender sensitivity, restorative justice, anti-corruption, human rights, at communication. Ang mga pagsasanay na ito ay isang paraan upang masiguro natin ang holistic development ng ating mga kapulisan. Malaki ang impact nito sa ating lipunan dahil ang mga training gaya nito ang tutulong sa ating kapulisan na itrato ang mga sibilyan ng may respeto at “fairness.”

May pag-aaral sa Estados Unidos na nagpapakita na kapag ang kapulisan ay nagpapakita ng respeto sa sibilyan,  mabilis itong nakikipag-cooperate dahil nakikita niyang “legitimate legal authority” ang pulis. Binabalik ng sibilyan ang respetong ibinibigay ng pulis at mas ginaganahan silang sumunod sa batas. Inuudyukan pa nila ang kanilang komunidad na aktibong sumunod sa batas. Mas tumutulong pa, ayon sa pag-aaral, ang mga sibilyan na magreport ng krimen at ng mga gumagawa ng krimen kung ang mga pulis ay makatarungan at may respetong nakikipag-ugnayan sa mga sibilyan.

Ayon kay Pope Francis, noong siya ay nakipagpulong sa mga pulis sa Italya noong November 2017, ang mga pulis ay ang first line of defense laban sa mga pwersa ng mga krimen at kaguluhan sa lipunan. At paalala niya: “Your service, often not adequately admired, places you at the heart of society and, for its high value, I do not hesitate to define it as a mission, to undertake with honor and a deep sense of duty, to the service of man and of the common good.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 47,132 total views

 47,132 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 90,740 total views

 90,740 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 174,285 total views

 174,285 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 187,938 total views

 187,938 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang fourth estate

 47,134 total views

 47,134 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 90,742 total views

 90,742 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 174,287 total views

 174,287 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »
Scroll to Top