VeritasPH

The Word, The Truth

“Walang saysay ang buhay kung wala tayong kamalayan sa kasaysayan.”

SHARE THE TRUTH

 985 total views

Ito ang binigyang diin ni Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa deklarasyon sa Simbahan ng San Bartolome sa Malabon city bilang isa sa Important Cultural Treasure ng bansa dahil sa mayamang kasaysayan at natatangi nitong kahalagahan sa pamanang pangkalinangan ng sambayanang Pilipino.

Ayon sa Obispo, kabilang sa kanyang kasalukuyang isinusulong sa diyosesis ay ang pagpapalalim ng kalamayan at kaalaman ng mga mananampalataya sa kasaysayan hindi lamang ng pananampalataya kundi ng mismong bansa.

“I’m trying to promote a deeper, a stronger sense of history in our faithful in the Diocese of Kalookan dahil walang saysay ang buhay kung wala tayong kamalayan tungkol sa kasaysayan.” pahayag ni Bishop David.

Iginiit ni Bishop David na mahalagang seryosohin ang pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan upang ganap na mapangalagaan ang church cultural heritage.

Tinukoy ni Bishop David ang Republic Act 10066 o ang “PHILIPPINE CULTURAL HERITAGE ACT” na naglalayong higit na bigyang proteksyon at pangalagaan ang mga makasaysayang lugar at istruktura sa bansa kabilang na ang mga lumang Simbahan at maging mga lumang tahanan.

“We really must take seriously our partnership with the proper government agency for the preservation of our church cultural heritage and I think the government acknowledges the fact that a huge percentage of heritage structures in this country are actually church heritage and so we really must partner and that has been made responsible by the Republic Act 10066 and we take that very seriously.” Dagdag pa ni Bishop David.

Ipinaliwanag ng Obispo na tungkulin ng diyosesis at ng pamunuan ng Simbahan ng San Bartolome na panatilihin ang integridad at orihinal na istruktura ng Simbahan upang patuloy na maipamalas ang natatangi nitong katangian na naging saksi sa mayamang kasaysayan ng pamamanmapalataya sa lungsod ng Malabon.

“Our task basically is really restore it, keep it in its integrity even if there are further developments but were mindful of the heritage structure and its character and that is what gives soul to our faith because without heritage the church will be soulless and even the whole city of Malabon, what gives character to Malabon really is the heritage structures like San Bartolome Church.” Ayon pa kay Bishhop David.

Tiniyak ni Bishop David na puspusan ang pakikipag-ugnayan ng diyosesis sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapangalagaan ang iba pang mga heritage structure tulad ng San Jose de Navotas Church, San Roque Cathedral, Immaculate Concepcion Parish Church at La Loma Catholic Cemetery Chapel na unang kinilala ng National Historical Commission of the Philippines.

Inihayag naman ng Obispo ang planong pagsusulong ng Diyosesis ng Kalookan sa 408-taong gulang na Simbahan ng San Bartolome sa Malabon bilang kauna-unahang Minor Basilica sa diyosesis.

Pinangunahan ni Bishop David at Atty. Ma. Rosenne M. Flores-Avila, Deputy Director General for Administration of the National Museum of the Philippines ang unveiling of marker at deklarasyon sa Simbahan ng San Bartolome bilang isa sa Important Cultural Treasure ng bansa.

Ang 408-taong Simbahan ng San Bartolome sa Malabon ang itinuturing na pinakamatandang Simbahan sa lungsod na naging saksi sa malawak na kasaysayan hindi lamang ng pananampalatayang Katoliko sa lugar kundi maging sa paraan ng pamumuhay ng mamamayan ng Malabon.

Iginagawad ng National Museum of the Philippines ang pagkilala bilang Important Cultural Treasure sa isang gusali, lupain o lugar na nagtataglay ng pambihirang kasaysayan hindi lamang sa larangan ng sining kundi maging para sa pagpapayaman ng kultura ng bansa.

Sa kasalukuyang nasa 21 na ang bilang ng mga kinilalang National Cultural Treasures sa bansa habang nasa 32 naman ang kinilalang Important Cultural Properties ng National Museum of the Philippines na kinabibilangan ng mga parke, gusali, Simbahan at maging mga lumang tahanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 9,110 total views

 9,110 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 17,095 total views

 17,095 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 24,631 total views

 24,631 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 40,616 total views

 40,616 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 48,660 total views

 48,660 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 5,386 total views

 5,386 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 5,565 total views

 5,565 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 4,994 total views

 4,994 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 9,605 total views

 9,605 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 10,454 total views

 10,454 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 10,808 total views

 10,808 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 24,763 total views

 24,763 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Harrassment sa mga residente ng Mariahangin island, ikinabahala ng Obispo

 10,787 total views

 10,787 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa sa Palawan para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa isla ng Mariahangin sa Bayan ng Balabac, Palawan. Ibinahagi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagkabahala sa mga ulat ng pang-ha-harass ng ilang armadong grupo sa mga residente ng isla upang lisanin ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 10,828 total views

 10,828 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 17,624 total views

 17,624 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 16,740 total views

 16,740 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 11,959 total views

 11,959 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 21,206 total views

 21,206 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Cabanatuan cathedral

 9,084 total views

 9,084 total views Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines sa St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o kilala bilang Cabanatuan Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 ay ibinahagi

Read More »
Environment
Reyn Letran - Ibañez

Inisyatibo ng mga layko laban sa divorce, pinuri ng opisyal ng CBCP

 22,113 total views

 22,113 total views Kinilala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap at inisyatibo ng may layko na pangunahan ang pagsusulong sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Inihayag ito ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Vocations sa paglulunsad ng Super Coalition Against

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top