Pagbabalik Respeto sa Kapulisan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total reads

Kapanalig, ang pagkakaroon ng bagong administrasyon ngayon ay isang golden opportunity upang mapanumbalik ang respeto ng ating lipunan sa mga kapulisan.

Matapos ng madugong drug war ng nakaraang administrasyon, napaka-sarap lasapin ang katahimikan ngayon. Lipas na ang mga araw na laging headline ang pagpatay ng maralita sa ngalan ng droga, na sana ay hindi na maulit. Ang katahimikang ito ay pagkakataon para sa bagong simula para sa ating mga kapulisan. Pagkakataon ito na maitaas pa ang kanilang trust rating. Nitong Agosto noong nakaraang taon, ang PNP ay isa sa mga may pinaka-mababang approval rating sa mga ahensya ng gobyerno. Nasa 27% lamang ang approval rating nito, ayon sa survey ng Publicus Asia.

Paano ba maibabalik ang respeto at tiwala ng mga mamamayan sa kapulisan?

Isa sa mga paraan upang magawa nila ito ay ang paglilinis ng mga tauhan sa kanilang hanay at dagdag na pagsasanay hindi lamang sa peace and order, kundi sa mga tema gaya ng gender sensitivity, restorative justice, anti-corruption, human rights, at communication. Ang mga pagsasanay na ito ay isang paraan upang masiguro natin ang holistic development ng ating mga kapulisan. Malaki ang impact nito sa ating lipunan dahil ang mga training gaya nito ang tutulong sa ating kapulisan na itrato ang mga sibilyan ng may respeto at “fairness.”

May pag-aaral sa Estados Unidos na nagpapakita na kapag ang kapulisan ay nagpapakita ng respeto sa sibilyan,  mabilis itong nakikipag-cooperate dahil nakikita niyang “legitimate legal authority” ang pulis. Binabalik ng sibilyan ang respetong ibinibigay ng pulis at mas ginaganahan silang sumunod sa batas. Inuudyukan pa nila ang kanilang komunidad na aktibong sumunod sa batas. Mas tumutulong pa, ayon sa pag-aaral, ang mga sibilyan na magreport ng krimen at ng mga gumagawa ng krimen kung ang mga pulis ay makatarungan at may respetong nakikipag-ugnayan sa mga sibilyan.

Ayon kay Pope Francis, noong siya ay nakipagpulong sa mga pulis sa Italya noong November 2017, ang mga pulis ay ang first line of defense laban sa mga pwersa ng mga krimen at kaguluhan sa lipunan. At paalala niya: “Your service, often not adequately admired, places you at the heart of society and, for its high value, I do not hesitate to define it as a mission, to undertake with honor and a deep sense of duty, to the service of man and of the common good.”

Sumainyo ang Katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 17,196 total reads

 17,196 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,999 total reads

 17,999 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 34,958 total reads

 34,958 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 72,335 total reads

 72,335 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 103,604 total reads

 103,604 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 178,642 total reads

 178,642 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 271,149 total reads

 271,149 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 34,960 total reads

 34,960 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 72,337 total reads

 72,337 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 103,606 total reads

 103,606 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 178,644 total reads

 178,644 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top