332 total views

20th Sunday Cycle C

Jer 38:4-6.8-10 Heb 12:1-4 Lk 12:49-53

Sa Bibliya ang Diyos ay nagpapahayag. Ito ay sinulat upang maging maliwanag sa atin ang ibig sabihin ng Diyos. Pero hindi lahat ng nasa Bible ay madaling maintindihan. Ang ibang mga bagay ay mahirap intindihin dahil sa matagal na itong sinulat kaya ito ay nangangailangan ng historical background para maintindihan. Ang iba rin ay malabo dahil sa ito ay sinulat sa ibang lenguahe. Mahirap na ito ay maisalin nang maayos sa modern languages natin ngayon. Pero ang iba ay mahirap intindihin kasi parang kakaiba ang nilalaman nito sa ating inaasahan. Isa na rito ay ang pagbasa natin ngayon na sinabi ni Jesus: “Akala ba ninyo na pumarito ako upang magdala ng kayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi.” Nagdadala siya ng tabak. Paano ba ito? Hindi ba mapayapa si Jesus? Siya pa nga ang nagsabi na mahalin mo ang iyong kaaway at huwag mong gantihan ang gumagawa ng masama sa iyo.

Pero itong sinabi ni Jesus ay nararanasan nga natin. Marami sa atin, sa pagsisikap natin na maglingkod sa Diyos at magiging tapat sa kanya, tayo ay kinokontra ng mga tao, kahit na nga ng ating mga pamilya. Nagagalit sila sa atin hindi dahil sa gumagawa tayo ng masama kundi dahil sa sinusunod lang natin ang sinasabi ng Diyos. Ito ay nararanasan ng ilan na sa kanilang kagustuhan na maging pari o maging madre, kinokontra sila ng kanilang mga magulang na may ibang pangarap para sa kanila. May mga tao na sa kanilang pagiging generous sa nangangailangan, hindi sila naiintindihan ng kanilang mga anak – bakit pa daw tumulong sa mga mahihirap, na sila daw ay pinagsasamantalahan lang. Sa ibang mga bansa maraming pamilya at magkaibigan ay nagkakahiwalay dahil sa issue of abortion. Hindi matanggap ng marami na mas mahalaga ang buhay ng tao, ang buhay ng bata, kaysa karapatan ng babae sa kanyang katawan.

Sa kanilang paningin mas mahalaga ang karapatan ng sarili kaysa buhay ng iba. Sa atin sa Pilipinas isang naghihiwalay sa atin ay ang katotohanan tungkol sa ating kasaysayan. May mga sumusulong na baliktarin ang katotohanan na nangyari sa kasaysayan. Nagsasabi sila na Golden Age daw ang panahon ng Martial Law. Binabalewala nila ang bilyong-bilyong ninakaw sa bansa ng mga Marcos at ang maraming pinatay at dinukot noong 14 years ng Martial law.

Hindi ba totoo ang sinabi ni Jesus na siya, ang katotohanan at ang buhay, ay nagdadala ng pagkakabahaginan? He is a source of controversy. Sinabi na ito ni Simeon kay Maria noong dinala ang sanggol na si Jesus sa Templo. Sinabi ni Simeon: “Ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel.” At ganyan nga ang nangyari kay Jesus. Noong panahon may humahanga at naniniwala sa kanya at may nagagalit naman sa kanya, ganun kagalit na gusto siyang ipapatay, at pinapatay nga siya. Ayaw ng dilim ang liwanag. Ayaw ng masasama ang gumagawa ng mabuti kasi lumalantad ang kanilang kasamaan sa harap ng kabutihan.

Naranasan ito ni propeta Jeremias sa ating unang pagbasa. Noong panahon niya, ang Jerusalem ay nilulusob at napapaikutan na ng mga Babylonians. Hirap na hirap ang mga kawal sa lunsod na labanan ang mga sumasalakay na kalaban. Pero si Jeremias sa loob ng lunsod ay sumisigaw na hindi sila magtatagumpay sa pagtatanggol sa lunsod. Ang pagsalakay ng mga Babylonians ay parusa ng Diyos sa kanilang mga kasalanan. Dapat silang magsisisi sa kanilang kasamaan. Maging makatarungan na sila at manalig lang kay Yahweh at hindi sa mga diyos-diyosan nila. Kung hindi sila magsisisi, siguradong babagsak ang lunsod at masisira ang templo. Galit ang mga pinuno ng bayan kay Jeremias. Sa halip na i-encourage ang mga tao na lumaban, dini-discourage na niya. Kaya siya ay pinigil nila. Hinulog siya sa isang balon na puno ng putik at hinayaang mamatay doon. Mabuti na lang at nagsumbong si Ebed-Melec sa hari at tinulungan siyang iahon sa balon.

Wala namang ginawa si Jeremias kundi ilahad ang mensahe ng Diyos sa kanyang kababayan. Pero ayaw pakinggan ng mga leaders ang kanyang mensahe na magsisi. Mas umaasa sila sa kanilang defenses kaysa mensahe ng Diyos at gusto nilang patahimikin ang propeta.

Ang pagpapatahimik sa Salita ng Diyos ay nangyayari nga sa ating panahon ngayon. Pinipigilan ng mga tao ang paglapit sa Diyos. Ayaw nilang pakinggan ang Diyos sa public affairs, kaya hinihiwalay ang relihiyon sa politika. Dapat hindi pasukin ng Diyos at ng kanyang batas ang politika. Sa ganitong kalagayan ano ang ating gagawin? Tumahimik na lang? Just avoid the conflict? Sumunod na lang sa kalakaran ng mundo? Sana ang apoy na umaalab sa puso ni Jesus ay umalab din sa atin. Pagningasin natin ang apoy ng pag-ibig at katarungan ng Diyos sa mundo. Patuloy tayo sa ating paglapit sa Diyos at magiging tapat kay Jesus.

Sa aklat ng Hebreo ng ating ikalawang pagbasa inilalarawan ang buhay ng ating pagiging kristiyano sa isang takbuhan o karera. Tayo ay tumatakbo sa arena na pinanonood ng malaking audience. Ang audience natin ay ang mga santo na nagwagi. Chini-cheer tayo mula sa langit na patuloy na tumakbo. Tanggalin na natin ang anumang nagpapabigat at anumang pumipigil sa ating pagtakbo. Iyong mga putik na nakakapit sa ating mga sapatos. Ang damit na mabigat at iba pang dalahin sa buhay ay iwanan na natin. Iwanan na ang mga ugali, mga takot at mga pinagkakaabalahan na pumipigil sa atin sa paligsahan. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siya ang ating finish line.

Huwag na tayong lilingon-lingon pa sa nakaraan. Ang buong attention natin ay nandoon sa ating gantimpala sa harapan natin na walang iba kundi ang pakikiisa sa tagumpay ni Jesus. Kapag tayo ay nahihirapan, pakinggan natin ang cheers ng mga nasa langit na nagpapalakas ng ating loob. Huwag natin masyadong pahalagahan ang kahirapan na dinadaanan natin. Hindi pa nga humahantong sa pagdanak ng dugo ang ating pakikipagtunggali sa kasamaan. Ang mga martir at si Jesus ay nagbuhos ng dugo kaya natamo nila ang tagumpay. Hindi pa natin iyan nararanasan. Pero tanggapin natin na hindi madali ang pagsunod kay Jesus. He is a sign of contradiction for those who do not accept him. Kaya magpatatag tayo sa Banal na Eukaristiya upang matanggap natin ang kanyang salita na siya ay nagdadala ng tabak na maghihiwalay sa atin sa mga hindi tumatanggap sa kanya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malnutrisyon

 3,271 total views

 3,271 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 7,633 total views

 7,633 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 18,225 total views

 18,225 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 26,449 total views

 26,449 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 32,295 total views

 32,295 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 4,725 total views

 4,725 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 6,883 total views

 6,883 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 9,041 total views

 9,041 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 9,391 total views

 9,391 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 22,861 total views

 22,861 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 23,290 total views

 23,290 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 27,334 total views

 27,334 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 30,090 total views

 30,090 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 30,090 total views

 30,090 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 30,072 total views

 30,072 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 33,573 total views

 33,573 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 30,072 total views

 30,072 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 30,067 total views

 30,067 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 30,067 total views

 30,067 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 14, 2024

 30,068 total views

 30,068 total views First Things First | February 14, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top