422 total views

Homiliya Para sa Ika-20ng Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-14 ng Agosto 2022, Lk 12:49-53

Medyo nakakatakot ang dating ng mensahe ni Hesus sa ebanghelyo natin ngayon. Kailangan nating pagnilayang mabuti para makuha natin ang mabuting balitang hatid nito. Sino bang hindi matatakot sa ganitong mga salita:

“Naparito ako upang magdala ng apoy sa mundo, at hangad ko na mapagningas na ito!”Sabi pa niya, “Akala ba ninyo kapayapaan ang hatid ko sa lupa? Hindi. Ang hatid ko ay pagkakawatak-watak.”

Kapag may brown-out at sanay kang matulog na may nakasinding electric fan o aircon, natural mahihirapan kang matulog. Hindi ka mapayapa hangga’t hindi bumabalik ang kuryente. At lalong hindi ka mapapayapa kung ang dahilan ng pagkawala ng kuryente ay hindi brownout kundi power disconnection dahil matagal ka na palang hindi nagbabayad ng electric bill.

Kung sasabihin ni Kristo na naparito ako para bayaran ang electric bill mo upang makonektang muli ang bahay mo sa kuryente, hindi ba good news iyon? Ano ba ang pinagmumulan ng kuryente natin kundi apoy?

Minsan nakakalimutan natin ang pakinabang na dulot ng apoy sa buhay ng tao. Palagay ko, noong panahon ng stone age, noong mababa pa ang antas o level ng sibilisasyon, ang tingin ng tao sa apoy ay isang bagay na nakakatakot. Sino ba ang hindi matatakot kapag nilamon ng apoy ang bahay mo? SUNOG ang tawag natin sa apoy na nakasisira. Madalas mangyari ang mga sunog dito sa siyudad, lalo na sa mga makipot na kabahayan sa mga informal settlers. Ang bilis kumalat, ilang minuto lang daan-daang mga pamilya na ang mawawalan ng bahay. At sabi nga nila, bagyuhin ka na o lindulin, huwag lang masunugan, kasi ubos lahat!

Kapag sunog ang unang pumasok sa isip natin kapag nababanggit ang apoy, talagang matatakot tayo. Kaya siguro sunog ang ginagamit na paglalarawan sa impyerno o kaparusahan sa karamihan sa mga relihiyon.

Pero hindi na tayo nabubuhay sa “stone age” di ba? Ang layo na ng inabot ng kabihasnan ng tao mula nang matutunan nating tingnan ang apoy sa mas positibong pakinabang nito. Di ba isang malaking bola ng apoy ang araw? Di ba hindi naman posibleng manatili ang buhay sa daigdig kundi dahil sa liwanag at init na dulot ng apoy ng araw?

Sa kasaysayan, maraming nagbago sa buhay ng sangkatauhan nang matutunan nating gamitin nang tama ang apoy. Nakaimbento tayo ng mga makina na pinatatakbo ng apoy, ang tinatawag nating “spontaneous combustion”. Maraming umunlad nang matutuhan nating gamitin ang apoy para sa power generation—para magpakilos, magpagalaw, magpatakbo nga mga sasakyan—magpalipad ng mga eroplano, magpaandar ng mga barko, magpatakbo ng mga kotse at bus. Ginagamit din natin ito para makapag-generate ng kuryenteng magbibigay ng init ng mga “heaters” kapag winter, ng lamig ng “aircon” kapag summer, ng liwanag ng mga ilaw kapag gabi.

Nalulungkot ako kapag nakakalimutan natin na sa Bibliya, apoy din ang madalas na gamitin para ilarawan ang pagsasaatin ng Diyos. Di ba sa pamamagitan daw ng isang nag-aapoy na punongkahoy unang nagpakita ang Diyos kay Moises? Di ba sa anyo daw ng mga dilang apoy bumaba ang Espiritu Santo sa mga alagad? Di ba ulap sa umaga at apoy sa gabi ang gumabay sa mga Israelita patungo sa lupang pangako? Di ba isang Kristong may nag-aapoy na puso ang paglalarawan natin sa Diyos na tumutubos sa mga makasalanan?

Kaya nga sa templo ng mga Hudyo ang gawain ng mga pari ay alagaan ang apoy para hindi ito mamatay kahit kailan. Gawain daw ng mga pari na laging alisan ito ng abo, lagyan ito ng bagong panggatong para mapanatili itong laging naglalagablab.

Talagang pakinabang ang apoy kung aalagaan ito, kung gagamitin nang tama. Pero hindi pakinabang ang idudulot nito kung imbes na alagaan, ito ay paglalaruan. Kaya may kasabihan tayo—“Huwag kang maglaro ng apoy.”

Sa Pentekostes luminaw sa mga apostol kung ano ang tinutukoy na apoy na nais dalhin ni Hesus sa mundo: ang Espiritu Santo—ang nagpapaalab sa pag-ibig ng Diyos sa ating puso at kaluluwa at nagdudulot ng pagkakaisa ng mga alagad bilang katawan ni Kristo.

Kung kayang patigasin ng apoy ang putik para ito ay maging tisa, paso, palayok o banga, kaya din ng apoy na palambutin ang matigas na bakal at tunawin ang ginto para linisin o dalisayin ito. Kaya siguro apoy din ang simbolo ng purgatoryo—hindi apoy na sumisira kundi apoy na lumilinis o dumadalisay—katulad daw ng maduming ginto na tinutunaw para alisin ang dumi nito at lalong tumaas ang kilatis o halaga nito.

Totoo, gusto nating magkaisa at ayaw nating magkawatak-watak. Pero ang tunay na pagkakaisa ay dadaan muna ng maraming pagsubok. Hindi naman tayo bigla na lang nagkaisa bilang isang bansang Pilipinas kung hindi muna tayo natutong manindigan nang sama-sama para ipaglaban ang ating kalayaan. Kinailangan munang lumaban at magbuwis ng buhay ng maraming mga bayani at martir upang tayo’y maging maging isang bayang malaya at nagkakaisa.

Pwede kasing pagkaisahan ng mga tao ang masamang hangarin. Kahit ang dimonyo ayaw daw niyang mahati ang kanyang kaharian, sabi ni Hesus. Kaya nang magkaisa ang mga nagtatayo ng tore ng Babel, sabi daw ng Diyos, “Hindi maganda ang pagkakaisang ito.” Ano ang ginawa niya? Binuwag niya. Pinagsalita sila ng iba’t ibang linggwahe kaya nagkawatak-watak sila.

Upang tunay magkaisa ang tao, kinailangan muna nating matutong makipag-usap, makinig, makipag-ugnayan, magkipagkapwa, makipagkaisang puso at diwa para sa tama, sa totoo, sa nararapat. At ito ang binigyang katuparan ni Hesus nang ipadala niya ang apoy ng Espiritu Santo. Binigyan niya tayo ng “dilang apoy”. Tinuruan niya tayong magsalita ng linggwahe ng Diyos, ang linggwahe ng pag-ibig, malasakit, katotohanan at katarungan para akayin tayo tungo sa tunay na kapayapaan at pagkakaisa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malnutrisyon

 6,236 total views

 6,236 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 10,598 total views

 10,598 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 21,190 total views

 21,190 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 29,414 total views

 29,414 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 35,260 total views

 35,260 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 10,786 total views

 10,786 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 9,618 total views

 9,618 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 9,604 total views

 9,604 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 9,603 total views

 9,603 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 9,606 total views

 9,606 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 9,608 total views

 9,608 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 9,611 total views

 9,611 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 12,919 total views

 12,919 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 12,913 total views

 12,913 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 12,915 total views

 12,915 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 12,879 total views

 12,879 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 21,455 total views

 21,455 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 16,588 total views

 16,588 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MI CASA, SU CASA

 16,588 total views

 16,588 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-apat na Linggo ng Karaniwang Panahon, Pebrero 1, 2024, Mk 6:7-13 Huwag daw magbaon ng pagkain, o magbitbit ng bagahe. Huwag daw magdala ng pera sa bulsa, o ekstrang underwear. Ganoon? Ewan ko lang kung sa panahon natin mayroon pang mapapasunod o maisusugo si Hesus kung ganoon pa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PREJUDICE

 16,588 total views

 16,588 total views Homily for Wednesday of the 4th Wk in Ordinary Time, 31 January 2024, Mk 6:1-6 Mark says the people of Nazareth were “amazed” about the way Jesus preached in their synagogue. They seemed to have been actually impressed at the start. But as soon as they started asking questions like “Where did he

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top