Disaster preparedness starts at home

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total reads

Kapanalig, ngayong panahon ng tag-ulan, kaliwa’t kanan ang mga nakikita, naririnig, at nararanasang mga pagbaha, pati na rin pagguho ng lupa. Maraming mga pagkakataon na ang simpleng pagbaha na ito ay nagiging malaking sakuna, kaya’t dapat lagi tayong handa.

Marami sa ating mga kababayan ang kadalasang nakukulong sa ideya na ang disaster preparedness at safety ay isyung dapat hinahawakan ng mga lokal na gobyerno lamang. Barangay lagi ang ating inaasahan na magsasabi sa atin kung kailan tayo lilikas, kung ano ang ating gagawin, kung saan tayo pupunta. Tama lang na ang ating barangay ay laging handa. Pero tayo rin, at ang ating pamilya, ay dapat laging handa.

Disaster preparedness starts at home. Kapanalig, ang disaster o sakuna ay maaaring mangyari kahit anong oras, at kadalasan, wala pang babala o warning. Dahil dito, mainam na lagi tayong protektado, at lagi tayong handa.

Una dapat nating gawin ay alamin kung ano ba ang mga hazards o panganib sa ating lugar na tinitirhan at ginagalawan. Kapag alam mo na ang mga karaniwang panganib sa iyong lugar, gumawa ng preparedness plan na angkop sa sitwasyon. Kung bahain sa inyong lugar, halimbawa, ano ang mga dapat gawin ng iyong mga pamilya upang maging ligtas kayo at ang mga gamit niyo dito?

Kailangan din ninyo alamin kung ano ang mga warning systems sa inyong barangay. Isang halimbawa ay sa Marikina, kung saan may alarm signal sila batay sa taas ng lebel ng ilog. May mga barangay naman na may mga kawaning umiikot sa mga kabahayan o nag-aa-announce gamit ang loudspeaker.

Mainam din kapanalig, na alam natin ang numero hindi lamang ng barangay kundi pati ng bumbero, pulis, maging ang red cross. Huwag lang lagi mag post agad na naghahanap ng tulong o mag-live. Kapag alam mo ang mga numerong ito, alam mo kung sino dapat ang tawagan upang mabilis na magresponde ang tamang ahensya.

Ang pamilya din dapat ay laging nag-uusap. Mag-assign ng mga responsibilidad o  assignment na dapat tutukan ng bawat isa kapag may sakuna. Magplano kung ano ang gagawin, saan pupunta, at saan magkikita sakaling dumating ang sakuna. Lagi dapat may handang go-bag o emergency bag ang bawat isa sa inyo.

Kapanalig, dapat tayo ay laging handa, from the family level up to the national level. Ayon nga sa World Bank, bulnerable ang ating bansa sa mga natural na sakuna. Tinatayang 60% ng ating land area at 74% ng ating populasyon ay exposed o lantad sa iba-ibang panganib gaya ng baha, bagyo, tagtuyot, lindol, pagguho ng lupa, pati na rin tsunamis. Kapag tayo ay handa, ligtas tayo kapanalig, at ang takot ay hindi kakapit. Sabi nga sa Gaudium et Spes, nakatali sa maayos na estado ng pamilya ang wellbeing o kaayusan at kagalingan ng mga indibidwal.

Sumainyo ang Katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,437 total reads

 7,437 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,043 total reads

 9,043 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 20,046 total reads

 20,046 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 57,424 total reads

 57,424 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 88,694 total reads

 88,694 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,911 total reads

 164,911 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 258,147 total reads

 258,147 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 20,047 total reads

 20,047 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 57,425 total reads

 57,425 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 88,695 total reads

 88,695 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,912 total reads

 164,912 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top