Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 505 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon, 01 Setyembre 2022, Luke 5:1-11

Nakisakay lang si Hesus sa bangka ni Simon Pedro para pagbigyan ang mga taong nasa dalampasigan na ibig makinig sa kanya. Kakaibang klaseng Rabbi nga naman ito. Kakaiba dahil ang karaniwang mga Rabbi noon ay sa loob lang ng mga sinagoga nagtuturo. Siya, kahit saan—sa mesa, sa kalsada, sa palengke, sa bundok, o sa dalampasigan tulad ng kuwento natin ngayon.

Mukhang masyadong bumilib si Pedro sa galing na magpaliwanag nitong Rabbi na sumakay sa kanyang bangka. Pati siya na dapat sana’y abala sa paglilinis ng lambat at nakababad sa tubig ay nahumaling din sa pakikinig sa kanya. Napagmasdan siguro niya sa mukha ng mga nakikinig kung paano nahuli ng Rabbi na ito ang loob nila. Kaya sa palagay ko, kung gagamitin natin ang imahinasyon at magri-“reading between-the-lines” tayo nang kaunti, mahuhulaan natin ang naging simula ng pag-uusap nila ni Hesus: “Ang galing naman ninyong titser, sir. Huling-huli ninyo ang loob ng mga nakinig sa inyo. Kumbaga sa mangingisda, grabeng dami ng mga isda na nahuhuli ng lambat ninyo. Ano ba ang sikreto?”

At ang sagot niya ay, “Pumalaot kayo. Ihulog n’yo ang lambat sa malalim na tubig at makakahuli kayo.” Akala siguro ni Pedro hindi sila nagkaintindihan. Akala niya mali ang dinig ni Hesus sa sinabi niya. Ang “husay” na tinutukoy niya ay tungkol sa panghuhuli ng kalooban sa pangangaral niya. Kaya siguro sumakay na lang siya sa sinabi ni Hesus, “Magdamag na nga kaming nangingisda pero wala kaming nahuli. Pero sige, sabi n’yo e.” Ininterpret niya nang literal ang sinabi ni Hesus. Hindi niya alam, talagang ganoon kung magturo ang Rabbi na ito. Mahilig magsalita o kumilos nang patalinghaga.

Sa Bibliya, sa Old Testament, may mga propetang ganoon din kung magturo. Kung minsan imbes na magturo sa pamamagitan ng salita, gumagamit sila ng tinatawag na “symbolic prophetic action” na kung minsan ay may pagka-weird. Halimbawa, si Ezekiel kumain daw ng scroll o libro para ipahayag na ang salita ng Diyos ay masarap na pagkain. O si Jeremias binali ang pamatok, para sabihing papatapos na ang pagkakaalipin ng bayan.

Kailan ba nakuha ni Pedro ang punto ni Hesus? Nang pumalaot nga sila, naghulog ng lambat, nakahuli ng marami at napaluhod siya at nagsabing, “Layuan n’yo ako, isa akong taong makasalanan.” Noon niya nakuha ang punto. Ibig niyang sabihin, “Panginoon, hindi po ako marunong at banal na tulad n’yo; hindi ko kaya ang ginagawa ninyo . Ni hindi ako marunong magsalita sa publiko na tulad n’yo. Paano ako manghuhuli ng loob para sa kaharian ng Diyos?”

At ang sagot ni Hesus ay “Hindi problema iyon. Sumunod ka lang sa akin. Tuturuan kita. Huwag kang manatili sa mababaw na tubig. Pumalaot sa malalim kahit mapanganib, kahit humarap ng bagyo at unos. Tuturuan kitang lumakad sa tubig. Ako ang bahala sa iyo, manalig ka lang sa akin.”

Siguro ito ang tinutukoy ni San Pablo na karunungan sa ating first reading. Pagiging bihasa, hindi sa paraan ng daigdig, kundi sa paraan ng kaharian ng Diyos. Maraming dapat bitawan o talikuran para matuto sa paraan ng Diyos. Mahirap turuan ang nag-aakalang marunong na siya. Ang tunay na karunungan ay natatamo lang ng tao kapag kaya nating tanggapin ang ating kamangmangan. Ang tunay na kabanalan ay nagsisimula pa lamang kapag kapag ang tao’y nagkakaroon ng kababaang loob na amining siya’y makasalanan, katulad ni Pedro. Paano mapupunuan ang hindi tumatanggap ng pagkukulang?

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 13,933 total views

 13,933 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 21,414 total views

 21,414 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 34,554 total views

 34,554 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 40,527 total views

 40,527 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 46,281 total views

 46,281 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,150 total views

 1,150 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,151 total views

 1,151 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,905 total views

 3,905 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,320 total views

 8,320 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,646 total views

 3,646 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,169 total views

 4,169 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,668 total views

 5,668 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,512 total views

 6,512 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,767 total views

 4,767 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,980 total views

 8,980 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,212 total views

 8,212 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,422 total views

 12,422 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,870 total views

 5,870 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,874 total views

 5,874 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,874 total views

 5,874 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top