“Bike 4 Kalikasan, pangungunahan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 972 total reads

Pangungunahan ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang ‘Bike 4 Kalikasan’ upang isulong ang kamalayan ng pangangalaga sa kalikasan kasabay ng pagdiriwang sa Season of Creation.

Ayon kay Caritas Philippines national coordinator Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang 32-kilometrong bike caravan ay kabilang sa mga konkretong hakbang ng simbahan para sa pandaigdigang layunin ng ecological transformation.

“This is to show that we are serious in our stance to fully enforce the 2022 CBCP pastoral statement on ecology, as much as we are demanding in calling on our government to take action against ecological injustices,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Magsisimula ang “Bike 4 Kalikasan” sa ganap na alas-singko ng umaga mula sa Manila Cathedral sa Intramuros hanggang La Mesa Dam Nature Reserve Eco Park sa Quezon City sa October 8.

Sinabi naman ni Caritas Philippines executive director Fr. Antonio Labiao, Jr. na ang bike caravan ay panawagan din para sa inisyatibo ng social arm ng simbahan sa environmental advocacy sa ilalim ng Alay Kapwa – Alay para sa Kalikasan program.

Kabilang rito ang pagtalikod mula sa fossil gas, coal, mining, at iba pang extractive industry, pagsusulong sa Rights of Nature policy campaign, renewable energy transition, at food security sa pamamagitan ng sustainable farming.

“We are also taking principled cooperation with our government to work with this project, as we will be working closely with the Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, and Department of Interior and Local Government, as well as with the private sector,” ayon kay Fr. Labiao.

Samantala, isasagawa rin kasabay ng bike caravan ang paglulunsad sa Caritas Bamboo Forest Project sa pakikipagtulungan sa mga Diocesan Social Action Centers.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na sa halip na puro salita lamang, mas makabubuting kumilos na at mas dagdagan pa ang pagsisikap na isulong ang mga adbokasiya para sa kalikasan.

“After all, we are a working, living Church. What good will our words bring if our planet is dead,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Para sa mga nais makibahagi sa Bike 4 Kalikasan campaign, bisitahin lamang ang Caritas Philippines facebook page para sa iba pang detalye.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,466 total reads

 7,466 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,071 total reads

 9,071 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 20,084 total reads

 20,084 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 57,462 total reads

 57,462 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 88,732 total reads

 88,732 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,944 total reads

 164,944 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 258,178 total reads

 258,178 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,738 total reads

 73,738 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top