Panunumbalik ng peace negotions sa NDFP, panawagan ng PEPP kay PBBM

SHARE THE TRUTH

 491 total views

Umapela ang Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na muling buuin ang GRP Peace Panel at ipagpatuloy ang naudlot na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front in the Philippines (NDFP).

Muling isinulong sa nagkakaisang pahayag ng grupo na pinamumunuan nina Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma, SJ, at Ecumenical Bishops Forum Revd. Rex Reyes Jr. ang GRP-NDFP peace negotiations.

Ang Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), National Council of Churches in the Philippines (NCCP), Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), Conference of Major Superiors of the Philippines (CMSP formerly known as AMRSP) at Ecumenical Bishops Forum (EBF).

“The Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP), a network of church leaders officially designated by four religious federations – the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), National Council of Churches in the Philippines (NCCP), Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), Conference of Major Superiors of the Philippines (dating AMRSP) and the Ecumenical Bishops Forum (EBF), appealed to President Ferdinand Marcos, Jr., “to reconstitute the GRP Peace Panel and resume the GRP-NDFP peace negotiations, respecting the work and upholding the agreements that have been entered into by past leaderships.” Ang bahagi ng pahayag ng PEPP.

Ayon sa PEPP, nararapat na magkaroon ng usapang pangkapayapaan dahil sa kabiguan ng ‘all-out-war policy’ ng mga nakaraang administrasyon laban sa matagal ng armed conflict sa bansa.

Ipinaliwanag ng grupo na mahalaga ang pagdadayalogo upang maihayag ng mga komunistang grupo ang mga hinaing sa pamahalaan at makabuo ng tugon sa ugat ng problema.

“Every administration, including that of your father [former President Ferdinand E. Marcos], intensified its respective counter-insurgency program aimed at defeating the communist rebellion. Despite the massive campaigns implemented by these administrations to end this armed conflict, it has continued to rage particularly in the countryside causing internal displacement in the most vulnerable communities. This long running conflict only mirrors how deeply embedded are its roots in social injustice. Can there be peace without justice and meaningful change in the lives of the majority of our people who continue to wallow in poverty and misery?” Dagdag pa ng PEPP.

Inihalimbawa ng PEPP ang resulta ng Pulse Asia Survey noong June 24 to 27, 2022 kung saan lumabas na ang pagsusulong ng kapayapaan sa bansa ang pang-walo sa sampung mahahalagang usapin na nais ng mamamayang Pilipino na tutukan ng kasalukuyang administrasyong Marcos Jr.
Giit ng PEPP, napapanahon na muling pag-aralan at ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan lalo na ginugunita rin ang ika-30 anibersaryo ng The Hague Joint Declaration na nagsilbing pundasyon ng peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front in the Philippines (NDFP).

Ang naturang panawagan ng PEPP ay opisyal na ipinaabot ng grupo sa tanggapan ni Pangulong Marcos Jr. kung saan sa pamamagitan ng isang larawan ay makikita na natanggap ito ng nasabing tanggapan ng punong ehekutibo.

Attached: Received copy from the Office of the President of the Republic of the Philippines.

 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 34,567 total views

 34,567 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 39,985 total views

 39,985 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 46,692 total views

 46,692 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 61,487 total views

 61,487 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 67,643 total views

 67,643 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Kauna-unahang EJK memorial site, pasisinayaan sa labor day

 8,856 total views

 8,856 total views Nakatakdang pasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang ‘Dambana ng Paghilom’ na magsisilbing himalayan ng mga biktima ng extra-judicial killings. Inihayag ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder and President Fr. Flavie Villanueva SVD na layunin ng ‘Dambana ng Paghilom’ na kauna-unahang EJK Memorial Site na mabigyan ng

Read More »
Environment
Reyn Letran - Ibañez

MaPSA nagsagawa ng donation campaign, sa pagsasaayos ng nasunog na paaralan

 9,005 total views

 9,005 total views Nagpahayag ng pakikiisa sa Paco Catholic School ang Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MaPSA) matapos ang naganap na sunog na tumupok sa bahagi ng paaralan noong nakalipas na Sabado. Bilang tugon sa pangangailangan ng Paco Catholic School ay naglunsad ng inisyatibo ang MaPSA upang makapangalap ng donasyon na makakatulong para sa muling

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Arkidiyosesis at diyosesis sa bansa, hinimok na makiisa sa “prayer for peace and social transformation”

 9,389 total views

 9,389 total views Nanawagan ang Caritas Philippines sa bawat diyosesis sa Pilipinas na makibahagi sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ bilang pakikiisa sa Good Governance Month na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, inaprubahan ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kapakanan ng PDLs

 10,075 total views

 10,075 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa gitna ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. Ito ang kahilingan ni Military Ordinariate

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

 11,444 total views

 11,444 total views Nakatakdang magsagawa ng lokal na Walk for Life 2024 ang Archdiocese of Palo at Palo Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay. Nakatakdang ang pagsasagawa ng gawain sa darating na Sabado, ika-27 ng Abril, 2024 ganap na alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-otso

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP, nag-alay ng panalangin para sa mga opisyal ng Pilipinas

 13,967 total views

 13,967 total views Nag-alay ng panalangin ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para mga opisyal at lider na namamahala sa bansa. Kasabay ng paggunita sa Good Shepherd Sunday na itinuturing din na Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa Bokasyon, inalala at ipinanalangin ng Caritas Philippines sa pangunguna ng

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagpapatigil ng human rights violations sa Negros island, apela ng Obispo sa pamahalaan

 15,029 total views

 15,029 total views Umaapela ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay seguridad at katarungang panlipunan sa Negros island. Ito ang mensahe ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Vice-President ng Caritas Philippines bilang suporta sa isinasagawang 24-hour Fasting Protest ng mga political

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

100-political prisoners, magsasagawa ng 24-hour fasting protest

 18,720 total views

 18,720 total views Magsasagawa ng 24-hour Fasting Protest ang may 100-political prisoners sa Negros island upang ipanawagan sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagsagawa ng maayos na imbestigasyon sa mga kaso ng human rights violations na nagaganap sa lalawigan. Inihayag ng Negros Occidental Chapter ng Kapisanan para sa Pagpapalaya ng mga Detinidong Pulitikal sa Pilipinas

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagkilala sa mga kababaihan, nararapat at napapanahon

 16,608 total views

 16,608 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ang pagbibigay halaga at pangunguna ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa kapakanan ng mga kababaihan para sa patas na pagtingin sa bawat isa sa lipunan. Ito ang ibinahagi ni CBCP Office on Women chairman Borongan Bishop Crispin

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ecumenical council sa Negros, nagpahayag ng pakikiisa sa Palestina

 24,613 total views

 24,613 total views Nagpahayag ng suporta at pakikiisa sa bansang Palestina ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C) na binubuo ng mga opisyal ng Roman Catholic Church, Iglesia Filipina Independiente (IFI) at United Church of Christ of the Philippines (UCCP) sa Negros-island. Sa isang solidarity message na nilagdaan ng apat na opisyal ng iba’t ibang denominasyon mula

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Historical revisionism, pipigilan ng Martial Law Digital Library

 25,354 total views

 25,354 total views Naniniwala ang Ateneo Martial Law Museum na kinakailangang balikan ang kasaysayan ng bansa o mga nangyari sa nakaraan upang tumimo ang mga aral na hatid nito at maiwasang maulit sa kasalukuyang panahon. Ito ang ibinahagi ni Oliver John Quintana – coordinator ng Ateneo Martial Law Museum and Library sa programang Barangay Simbayanan sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 18,662 total views

 18,662 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

 19,093 total views

 19,093 total views Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan. Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, panawagan ni Bishop Santos Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang patuloy na alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nagpamalas ng kagitingan para sa kapakanan ng bansa.

 21,144 total views

 21,144 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan. Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

 23,498 total views

 23,498 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top