Parusang kamatayan, labag sa kautusan ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 830 total reads

Ang Diyos lamang ang may karapatan na bumawi sa buhay na kanyang pinahiram sa bawat nilalang.

Ito ang bahagi ng pagninilay Rev. Fr. Luisito Gatdula – Rektor at Kura Paroko ng Diyosesanong Dambana at Parokya ng Nuesta Seniora de Candelaria sa Silang, Cavite sa kanyang Tinig ng Pastol online reflection sa intensyon sa pananalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco na buwagin ang parusang kamatayan sa buong daigdig.

Ayon sa Pari, mula sa sinapupunan ay may buhay na ang isang nilalang na dapat na bigyang halaga at proteksyunan hanggang sa pagsilang at kamatayan.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Fr. Gatdula na ang parusang kamatayan ay labag sa utos at kaloob ng Diyos na buhay para sa bawat isa.

“Mula pa sa sinapupunan ng ina, ang tao ay may buhay na hanggang sa kanyang pagsilang siya ay huhubugin, siya ay palalakihin, siya ay patuloy na pauunlarin ayon sa hangarin ng Diyos at yung buhay na ayon sa kaloob ng Diyos ay buhay na marangal, buhay na dapat nating pangalagaan. Ang paglalapat ng parusang kamatayan ay labag sa utos ng Diyos. Ang buhay ay mula sa Diyos at ang Diyos lang din lamang ang may karapatan na bumawi ng buhay na kanyang pahiram.” pagninilay ni Gatdula.

Paliwanag ng Pari, hindi magiging katanggap-tanggap ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa sinuman.

“Paano natin maija-justify na tama ang paglalapat ng parusang kamatayan hindi ba ito ay labag na labag sa kalooban ng Poong Maykapal, hindi ba ito ay ang kongkretong pagtanggi natin sa alok ng Panginoon na ang bawat isa ay makapagbagong buhay, hindi ba ang hangad niya, ang kagalakan niya tayo ay mamuhay na kapiling niya sa kanyang kaluwalhatian.” Dagdag pa ni Fr. Gatdula.

Bahagi ng natatanging intensyon sa pananalangin ng Santo Papa Francisco ngayong buwan ng Setyembre ang pagbuwag ng bawat bansa sa parusang kamatayan na direktang umaatake sa dignidad at buhay ng isang nilalang.

Itinuturing naman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na inspirasyon ang naturang mensahe at panalangin ng Santo Papa para sa patuloy na paninindigan ng Simbahan laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

 

Prayer intention ng Santo Papa sa pagpapawalang bisa ng death penalty, inspirasyon sa CBCP-ECPPC

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 91,642 total reads

 91,642 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 123,372 total reads

 123,372 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 225,198 total reads

 225,198 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 265,757 total reads

 265,757 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 282,320 total reads

 282,320 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 56,041 total reads

 56,041 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top