Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Prayer intention ng Santo Papa sa pagpapawalang bisa ng death penalty, inspirasyon sa CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

 846 total views

Ikinalugod ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang paglalaan ng Kanyang Kabanalan Francisco ng partikular na intensyon sa pananalangin sa buwan ng Setyembre para sa pagbuwag ng parusang kamatayan sa buong daigdig.

Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, vice chairman ng komisyon higit na napatatag ng mensahe at panalangin ng Santo Papa ang kanilang paninindigan laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Ibinahagi ng Obispo na higit ding napag-alab ng mensahe ni Pope Francis ang kanilang misyon na protektahan ang kasagraduhan at dignidad ng buhay na biyaya ng Panginoon.

“It strengthens our faith on the value of life and also our faith that we really have to preserve itong binigay sa atin na gift ng Panginoon.” Pahayag ni Bishop Bendico sa panayam sa Radio Veritas.

Tiniyak ni Bishop Bendico na nananatili ang paninindigan ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care laban sa planong pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Iginiit ng Obispo na kaisa ng Santo Papa Francisco ang prison ministry ng Simbahang Katolika sa Pilipinas laban sa death penalty na nag-aalis ng pagkakataon sa mga nagkasala na makapagsisi, makapagbalik-loob at makapagbagong buhay.

“Yung CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care reiterate its strong opposition in the move to revive the death penalty in the Philippines at yung isang reason dito ay yung death penalty violates the inherent dignity of a person, which is not lost despite the commission of a crime. Yung stand ng CBCP yung strong opposition ng CBCP sa death penalty in line also with the mind of course of our present Pope.” Dagdag pa ni Bishop Bendico.

Bahagi ng panalangin ng Santo Papa Francisco ngayong buwan ng Setyembre ang pagbuwag ng bawat bansa sa parusang kamatayan na direktang umaatake sa dignidad at buhay ng isang nilalang.

Ayon kay Pope Francis, hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang pagkitil ng buhay ng sinuman.

Sa Pilipinas taong 2006 nang tuluyang pinawalang bisa ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang death penalty sa bansa.

Batay sa tala ng Amnesty International, nasa 140 mga bansa na ang nag-abolish o tuluyang nagbuwag sa kanilang parusang kamatayan dahil sa kabiguan nito na tuluyang mapababa ang kriminalidad sa lipunan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,946 total views

 6,946 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,262 total views

 15,262 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,994 total views

 33,994 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,500 total views

 50,500 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,764 total views

 51,764 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 5,541 total views

 5,541 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 30,766 total views

 30,766 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 31,457 total views

 31,457 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top