Voter’s education sa Barangay at SK elections, tiniyak ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 884 total reads

Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagbabahagi ng impormasyon sa mga botante para sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataang Election sa bansa.

Ayon kay PPCRV Director for Voter Education Dr. Arwin Serrano, nakahanda ang citizens arm na magbahagi ng voters education kahit wala pang katiyakan ang pagsasagawa ng halalang pambarangay dahil sa mga panukalang muling pagpapaliban nito.

Inihayag ni Serrano na kabilang sa mga impormasyong ibabahagi ng PPCRV sa mga botante ay ang kahalagahan ng barangay bilang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan, sino-sino ang mga pwedeng lumahok at kung paano ang sistema ng halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

“Kahit na wala pang klarong mandato na talagang matutuloy siya [ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections] o magkakaroon ng panukala sa Kongreso para i-postpone siya but pwede na kaming magsimula na din ng voter’s education campaign naman para sa Barangay and SK, ano ang importansya ng Barangay, sino-sino ba ang pwedeng lumahok at paano ba nahahalal.” pahayag ni Serrano sa panayam sa Radio Veritas.

Sinabi ni Serrano na importante ang voter’s education sa kahalagahan at natatanging tungkuling ginagampanan ng Sangguniang Kabataan sa barangay.

Iginiit ni Serrano na malaman ng mga botante ang halaga ng tungkulin at responsibilidad ng mga mahahalal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.

“Gayundin yung SK natin bakit ba siya meron pang SK despite napakarami naman nating mga youth organization sa barangay. So bibigyan natin ng pagpapahalaga yung importansya ng SK at saka yung buti na nagagawa nito doon sa mga kabataan at ganun din sa mga mahahalal na SK officials.” Dagdag pa ni Serrano.

Naunang kinundena ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang planong muling pagpapaliban sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 5, 2022.

Ayon kay Caritas Philippines national director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang muling pagpapaliban ng halalang pambarangay ay maituturing na pagsasawalang bahala sa kahalagahan at tungkuling ginagampanan ng mga opisyal ng barangay.

Batay sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB), aabot sa mahigit 42,000 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pilipinas.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,702 total reads

 8,702 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,203 total reads

 10,203 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 22,290 total reads

 22,290 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 59,668 total reads

 59,668 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 90,938 total reads

 90,938 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 166,863 total reads

 166,863 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 260,002 total reads

 260,002 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,017 total reads

 25,017 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top