Transport groups, nagpapasalamat sa panibagong minimum fare hike

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 899 total reads

Kinilala ng jeepney transport sector ang nakatakdang pagtaaas ng minimum fare sa mga traditional jeepneys.

Dahil sa nakatakdang pagtaas ng pamasahe sa public utility jeepney, humihingi si Liberty De Luna, National President ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) ng pang-unawa sa mamamayan.

Kinilala naman ni Ruben Baylon – Secretary General ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang inaasahang pagtataas ng minimum fare sa Setyembre.

Umaapela naman si Baylon sa pamahalaan na ipawalang bisa ang excise tax sa mga produktong petrolyo upang higit na makatulong sa pagbangon ng transport sector.

“The best pa rin ang pagtanggal sa E-vat ng langis at excise tax sa langis upang bumaba ang presyo sa pangmatagalan, ibasura ang oil deregulation law dahil kung lingguhan ang pagtaas ng presyo ng langis magiging walang saysay ang dagdag pasahe,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Baylon sa Radio Veritas.

Kinatigan naman ni Ricardo Rebaño – Pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) pagsunod sa 2019-035 na memorandum ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na susundin ang fare hike base sa pag-taas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

“Napakahirap po kasi, tatamaan ang buong sambayanan kung magkakaroon ng fare increase. Nagrereklamo narin ang mga driver dahil hindi na sapat ang kanilang kinikita para suportahan ang kanilang pamilya, Siguro hihintayin na lang po namin kung ano po magiging desisyon ng DOTR at LTFRB,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Rebaño.

Unang naaprubahan ng LTFRB ang fare hike sa mga traditional jeepneys na maaring i-anunsyo sa unang linggo ng Setyembre kung magkano ang taas-pasahe sa mga jeepneys.

Nakasaad sa katuruang panlipunan ng simbahang katolika na dapat isaalang-alang ang kapakanan ng mga mahihirap tuwing magkakaroon ng mga desisyon sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,418 total reads

 70,418 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,793 total reads

 105,793 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,093 total reads

 141,093 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,362 total reads

 367,362 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,842 total reads

 256,842 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top