Mataas na matrikula sa Catholic schools, binigyang linaw ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 954 total reads

Binigyang linaw ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang madalas na batikos sa simbahan na ‘mahal ang matrikula sa mga katolikong simbahan subalit mababa ang suweldo ng mga guro.’

Ipinaliwanag ng Obispo na kung tutuusin ay mas mahal ang gastos ng bawat estudyante sa pampublikong paaralan na ang pondo ay mula sa buwis ng mamamayan.

“Mas malaki ang budget ng public schools dahil mas mahal ang pasweldo sa kanilang mga teachers. Para maipantay ng Catholic schools ang sweldo ng kanilang mga teachers sa sweldo sa public, kailangan nilang magtaas ng tuition fees. Hindi naman aaprubahin ng DepEd ang biglaang pagtaas ng tuition fees ng mga private schools,” pahayag ni Bishop David sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.

Habang ang mga pribadong paaralan kabilang na ang Catholic institutions ay mula naman ang pondo sa matrikulang ibinabayad ng mga mag-aaral na inilalaan sa suweldo ng mga teaching and non-teaching personnel, pagpapagawa ng mga silid aralan at iba pang pangangailangan ng paaralan.

Iginiit ng obispo na ang pagkakaroon ng dagdag suweldo sa mga guro ay nangangahulugan din ng umento sa matrikula na kailangan din munang isangguni sa pamahalaan.

Sa nakalipas na pandemya, ilang mga pribado at katolikong paaralan ang nagsara dulot ng pagkalugi dahil sa kakulangan ng mga estudyante kabilang na dito 76 na pribadong paaralan ang nagsara sa Western Visayas.

Itinanggi din ni Bishop David na ang mga pribadong paaralan ay para lamang sa maykaya dahil sa katunayan ay naglaan ng pondo ang simbahan para sa mga mag-aaral na mahihirap.

“Marami ring mga mahihirap ang nag-aaral sa mga Catholic schools dahil sa pagsusumikap ng mga Catholic schools na maglaan ng pondo o magkaroon ng mga foundations na pwedeng magprovide ng scholarship grant o financial assistance sa kanilang mga poor but deserving students,” dagdag pa ng obispo.

Sa pagbubukas ng taon, muling isinagawa ng Radio Veritas at Caritas Manila-ang social arm ng Archdiocese of Manila ang Youth Servant Leadership and Education Program, upang tustusan ang may 5,000 college scholars ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,440 total reads

 70,440 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,814 total reads

 105,814 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,114 total reads

 141,114 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,383 total reads

 367,383 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,860 total reads

 256,860 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 11,963 total reads

 11,963 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top