Mga katekista, binigyang pugay sa pagdiriwang ng National Catechetical month

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,012 total reads

Pinasalamatan ng Diocese of Novaliches ang mga katekistang nag-alay ng panahon na maging katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng mga turo ng Panginoon.

Ito ang mensahe ni Fr. Eduardo Molina, Director ng Novaliches Diocesan Catechetical Foundation Inc. sa pagsisimula ng Catechetical month ngayong Setyembre.
Ayon sa pari, malaki ang naitutulong ng mga katekista sa paglago ng simbahan sa pamamagitan ng mga katesismo sa mga paaralan at pamayanan.

“The Church will be impoverished without your support. Maraming salamat sa pagtugon ninyo sa tawag ni Hesus na tuparin ang inyong vocation bilang propeta at alagad,” bahagi ng pahayag ni Fr. Molina.

Hinimok ng pari ang mga katekista ng diyosesis na magtulungan upang manatiling matatag sa paglilingkod lalo’t muling pinahintulutan ang face to face classes ng mga eskwelahan ngayong taon.

Una nang kinilala ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang mga katekista bilang aktibong mission partner sa pagpalaganap ng turo ng simbahan upang mahubog ang kabataan.

Paalala ng obispo sa mananampalataya na tungkuling ng bawat binyagang maging katekista at misyonero ng simbahan upang dalhin si Hesus sa mga pamayanan.

Tuwing Setyembre ipinagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ang National Catechetical Month bilang pagbibigay pugay kay San Lorenzo Ruiz – ang kauna-unahang martir na santong Pilipino na aktibong katekista noong nabubuhay pa.
Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “The Catechists, Walking Together as Witnesses of the New Life in Christ” kung saan ipinaalala sa mananamapalataya ang misyon na sama-samang paglalakbay bilang binyagan at tagasunod ni Kristo.

Sa pag-aaral ng National Catechetical Studies ng University of Santo Tomas nasa 50-libo ang mga katekista sa buong bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,707 total reads

 8,707 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,209 total reads

 10,209 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 22,295 total reads

 22,295 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 59,673 total reads

 59,673 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 90,943 total reads

 90,943 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 166,868 total reads

 166,868 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 260,007 total reads

 260,007 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,709 total reads

 8,709 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top