Season of Creation, binuksan sa pamamagitan ng Walk for creation 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 889 total reads

Nakasalalay sa tao ang pag-asa upang mapangalagaan ang inang kalikasan.

Ito ang pagninilay ni Columban Father John Leydon sa banal na Misa para sa Walk for Creation 2022 at pagbubukas ng Season of Creation sa Our Lady of Remedies Parish o Malate Church.

Ayon kay Fr. Leydon, chairperson ng Laudato Si’ Movement Pilipinas, makakamit lamang ang pag-asa kung mangingibabaw ang pagmamalasakit sa kabila ng mga krisis at suliraning nangyayari sa kapaligiran.

Inihalimbawa ng pari ang pagtitipon para sa Walk for Creation na pagkakataon upang panibaguhin ang pag-asa at mahikayat ang marami pang mananampalataya para mapangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.

“We are gathered to renew our hope in things unseen, and we enter into this period of creation in order to affirm our own selves and our hope. We are here because we do have hope in the face of the pessimistic situation that we are living in,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Leydon.

Ito ang unang beses na muling ginanap nang pisikal ang Walk for Creation kung saan sa nakalipas na dalawang taon ng coronavirus pandemic ay isinagawa ito sa pamamagitan ng online.

Dalangin naman ni Fr. Leydon na ang ginanap na pagtitipon ay mapanibago ang pag-asa at mapalalim pa sa puso ng bawat mananampalataya ang pagmamalasakit at pagmamahal sa inang kalikasan.

“My prayer for this gathering, even though we’re small or fairly small in numbers, is that hope will be renewed and deepened in our hearts because that’s the place, the only place where hope can exist,” ayon sa pari.

Ang Walk for Creation ay unang inilunsad noong September 2017 kasabay ng paggunita sa World Day of Prayer for the Care of Creation at pagsisimula ng Season of Creation.

Inisyatibo ito ng Laudato Si’ Movement Pilipinas na kilala dati bilang Global Catholic Climate Movement Pilipinas, at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – National Laudato Si’ Program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 66,966 total reads

 66,966 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,618 total reads

 102,618 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 137,918 total reads

 137,918 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,188 total reads

 364,188 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 253,804 total reads

 253,804 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,734 total reads

 154,734 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top