Krus ni Hesus sagisag ng pag-iibigan, paalala ng Papal Nuncio sa mga mag-asawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total reads

Pinaalalahanan ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mga mag-asawa na ang krus ni Hesus ang sagisag ng pag-iibigan.

Ito ang mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa taunang pagtitipon ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines noong September 3 sa Quezon City.

Ayon sa arsobispo kaakibat ng pagsasama ng mga mag-asawa ang pagiging magkatuwang sa sakripisyo at pagmamalasakit sa isa’t isa.

Paliwanag ni Archbishop Brown na banal ang pagsasama ng mag-asawa sapagkat ito ay habambuhay na pakikipagtipan sa pagitan ng Panginoon.

“Sacrificial love, symbolized by the cross is the foundation of your married life together. You are now in the union of the most sacred and most serious. Most sacred because God established it; most serious because He bound you together for life,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Brown.

Sa nasabing pagtitipon ipinagkaloob ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines ang aklat na pinamagatang ‘Pag-aaral, Pagninilay at Pagsasabuhay ng Amoris Laetitia kay Archbishop Brown bilang handog sa Kanyang Kabanalan Francisco.

Nilalaman ng aklat ang pagninilay ng mga kasapi ng MEFP sa Apostolic Exhortation Amoris Laetitia ni Pope Francis na inilathala noong Marso 2016 bilang pagpapatibay sa pundasyon ng mga pamilya.

Itinatag ang Marriage Encounter noong October 1969 sa pangunguna nina Fr. Ruben Tanseco, S.J bilang team priest, Luisito at Asuncion Sison bilang team couples.

Taong 1992 nang naging bahagi ang MEFP sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity kung saan sa kasalukuyan may mahigit ba isandaang trans parochial at parish-based sectors, chapters communities sa buong bansa na pinangangasiwaan ng mag-asawang Robert at Tinette Aventajado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 91,615 total reads

 91,615 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 123,345 total reads

 123,345 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 225,171 total reads

 225,171 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 265,730 total reads

 265,730 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 282,294 total reads

 282,294 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top