Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Parusang kamatayan, labag sa kautusan ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total views

Ang Diyos lamang ang may karapatan na bumawi sa buhay na kanyang pinahiram sa bawat nilalang.

Ito ang bahagi ng pagninilay Rev. Fr. Luisito Gatdula – Rektor at Kura Paroko ng Diyosesanong Dambana at Parokya ng Nuesta Seniora de Candelaria sa Silang, Cavite sa kanyang Tinig ng Pastol online reflection sa intensyon sa pananalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco na buwagin ang parusang kamatayan sa buong daigdig.

Ayon sa Pari, mula sa sinapupunan ay may buhay na ang isang nilalang na dapat na bigyang halaga at proteksyunan hanggang sa pagsilang at kamatayan.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Fr. Gatdula na ang parusang kamatayan ay labag sa utos at kaloob ng Diyos na buhay para sa bawat isa.

“Mula pa sa sinapupunan ng ina, ang tao ay may buhay na hanggang sa kanyang pagsilang siya ay huhubugin, siya ay palalakihin, siya ay patuloy na pauunlarin ayon sa hangarin ng Diyos at yung buhay na ayon sa kaloob ng Diyos ay buhay na marangal, buhay na dapat nating pangalagaan. Ang paglalapat ng parusang kamatayan ay labag sa utos ng Diyos. Ang buhay ay mula sa Diyos at ang Diyos lang din lamang ang may karapatan na bumawi ng buhay na kanyang pahiram.” pagninilay ni Gatdula.

Paliwanag ng Pari, hindi magiging katanggap-tanggap ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa sinuman.

“Paano natin maija-justify na tama ang paglalapat ng parusang kamatayan hindi ba ito ay labag na labag sa kalooban ng Poong Maykapal, hindi ba ito ay ang kongkretong pagtanggi natin sa alok ng Panginoon na ang bawat isa ay makapagbagong buhay, hindi ba ang hangad niya, ang kagalakan niya tayo ay mamuhay na kapiling niya sa kanyang kaluwalhatian.” Dagdag pa ni Fr. Gatdula.

Bahagi ng natatanging intensyon sa pananalangin ng Santo Papa Francisco ngayong buwan ng Setyembre ang pagbuwag ng bawat bansa sa parusang kamatayan na direktang umaatake sa dignidad at buhay ng isang nilalang.

Itinuturing naman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na inspirasyon ang naturang mensahe at panalangin ng Santo Papa para sa patuloy na paninindigan ng Simbahan laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

 

Prayer intention ng Santo Papa sa pagpapawalang bisa ng death penalty, inspirasyon sa CBCP-ECPPC

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging instrumento ng katotohanan

 13,786 total views

 13,786 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 53,280 total views

 53,280 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 69,523 total views

 69,523 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 77,732 total views

 77,732 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

 9,720 total views

 9,720 total views Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa

Read More »
Scroll to Top