Pakikinig sa tinig ng kalikasan, ilalakip na intensyon sa Penafrancia festival

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 669 total views

Tiniyak ng Archdiocese of Caceres ang pagtalima sa panawagan at tema ng Season of Creation ngayong taon na “pakikinig sa tinig ng kalikasan”.

Sa liham pastoral ni Archbishop Rolando Tria Tirona, hinihimok nito ang mga mananampalataya na muling basahin at pagnilayan ang ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco hinggil sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan, at ibahagi ang mga aral nito sa kapwa.

Nangako rin ang arsobispo na isama at pagnilayan ang tema ng panahon ng paglikha kasabay ng pagdiriwang ng Arkidiyosesis sa Peñafrancia Festival kung saan isinasagawa ang traslacion ng imahen ng El Divino Rostro at Mahal na Birhen ng Peñafrancia.

“During this Season of Creation 2022, we commit ourselves to integrate this theme into our celebrations of the festivities in honor of El Divino Rostro and Our Lady of Peñafrancia,” bahagi ng liham pastoral ni Archbishop Tirona.

Layunin din ng Arkidiyosesis na maglunsad ng mga programa sa mga parokya at pamayanan upang ipalaganap ang kamalayan hinggil sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan laban sa epekto ng climate change at unti-unting pagkasira.

Ito’y sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran, at ang pagpapaigting sa panawagan upang pigilan ang operasyon ng quarrying, at iba pang ilegal na gawaing pumipinsala sa mga likas na yaman lalo na sa lalawigan ng Naga.

Hinihimok din ni Archbishop Tirona ang aktibong pakikiisa ng mga kabataan upang mangalaga sa kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

“We commit ourselves to organize and form our youth to be friends, protectors and servants of creation,” ayon kay Archbishop Tirona.

Ang Season of Creation ay panahon kung saan nagkakaisa ang Simbahang Katolika at iba pang Kristiyanong denominasyon upang manalangin at panibaguhin ang mga tungkulin para sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 2,396 total views

 2,396 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 35,478 total views

 35,478 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 63,829 total views

 63,829 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 131,559 total views

 131,559 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 154,513 total views

 154,513 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top