Birheng Maria kaligtasan ng sangkatauhan – Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 889 total reads

Inilarawan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Mahal na Birheng Maria bilang tanda ng kaligtasan ng sangkatauhan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa kapistahan ng Pagsilang ni Maria sa misang ginanap sa San Bartolome De Novaliches Parish sa Quezon City.

Ayon sa cardinal, mahalagang tungkulin ang ginampanan ng Mahal na Ina para sa katubusan ng sanlibutan sapagkat kaakibat ng kanyang pagsilang ang liwanag sa buong mundo mula sa dilim ng kasalanan ng tao.

“To be the daybreak is the mission of Mary. She is the sign that God is about to fulfill His promise of salvation. Just as daybreak assures us that the day is coming, the birth of Mary is the assurance that the Light of the world is near,” ayon kay Cardinal Advincula.

Sinabi ni Cardinal Advincula na si Maria ang bukangliwayway sa umaga kung saan nagsimulang talunin ang kadiliman dahil kay Hesus na kanyang ipaglilihi.

Pinangunahan ng cardinal ang pagbukas sa taunang General Assembly ng Manila Ecclesiastical Province School System Association o MAPSA kung saan pinaalalahanan ang mga guro na tularan si Maria bilang bukang liwayway sa mga kabataan.

“We are too called to be the daybreak; this mission is apparent in our task of educating and forming the children and the young. Dear school administrators, teachers, personnel, and parents we are to be the daybreak that will bring the light of Jesus to the lives of our students,” saad ng Cardinal.

Hamon ng arsobispo sa mga tagapaghubog ng mga kabataan na itaguyod ang katotohanan at labanan ang anumang uri ng fake news at misinformation gayundin ang pagsusulong ng kabutihan, habag at pag-ibig sa kapwa.

“Let us make it our mission to ensure that our educational process becomes the daybreak for our society as we produce good, capable, truthful, compassionate, and God-fearing students who are to be lights of our world,” saad ni Cardinal Advincula.

Si Cardinal Advincula ang chairman ng MAPSA habang pangulo naman si Fr. Albert Delvo, PhD – Parish Priest ng San Bartolome De Novaliches at Superintendent ng Roman Catholic Bishop of Novaliches Educational System.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 16,790 total reads

 16,790 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 37,225 total reads

 37,225 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 139,173 total reads

 139,173 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 179,731 total reads

 179,731 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 200,185 total reads

 200,185 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 247,552 total reads

 247,552 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top