Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 478 total views

24th Sunday Year Cycle C

Ex 32:7-11, 13-14 1 Tim 1:12-17 Lk 15:1-10

Marami sa atin ay nagkakaroon ng paningin sa Diyos galing sa mga Greek at Roman Philosophers at kahit na sa mga rationalist philosophers of Enlightenment. Ang tingin natin sa Diyos ay siya ay perfect. Dahil sa siya ay perfect hindi siya nagbabago. Nakikita niya ang lahat ng kasalanan natin at ito ay kanyang pinaparusahan. Kaya tayong nagsisikap na lumapit sa kanya ay dapat walang kasalanan. Ang ganitong pananaw sa Diyos ay hindi naaayon sa Bibliya.

Sa ating unang pagbasa, habang si Moises ay nasa bundok ng Sinai na tumatanggap ng batas ng Diyos, ang mga tao sa pangunguna ni Aaron ay tumalikod na sa Diyos. Gumawa sila ng gintong guya at sinabi nila sa mga Israelita na ito ang Diyos na nagligtas sa kanila sa Egipto. Ang unang utos ng Diyos ay huwag silang sumamba sa mga larawan ng mga hayop at ngayon, sinuway na nila ito. Galit na galit ang Diyos kaya pinababa na niya sa Moises at lilipulin niya ang mga tao. Talagang matitigas ang ulo ng mga taong ito kaya gagawa na lang siya ng bagong bayan mula sa lahi ni Moises. Pinakiusapan siya ni Moises. Pinaalaala niya sa Diyos ang kanyang pangako sa kanilang mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob na gagawa ng isang dakilang lahi mula sa kanila. Ang napakiusapan naman si Yahweh. Hindi na niya nilipol ang bayan. Nagbabago ang Diyos dahil sa kanyang habag. Hindi nga itinuloy ng Panginoon ang balak na paglipol sa mga Israelita. Hindi parusa ang umiral kundi habag.

Iyan din ang karanasan ni Pablo. Siya ay tagausig kay Kristo sa kanyang pagpapakulong sa mga Kristiyano. Kahit na ganito ang kanyang nakaraan, pinatawad siya ng Diyos at pinagkatiwalaan pa siya ng misyon na maging tagapagpahayag ng pagpapatawad ng Diyos. Ito ay naranasan niya mismo. Nagbabago ang Diyos sa kanyang pakikitungo sa atin.

Tama ang sinulat ni San Pablo: Narito ang isang katotohanang dapat tanggapi’t paniwalaan ng lahat: si Kristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. Hindi ito naiintindihan ng mga Pariseo at Escriba, mga taong dapat alam ang Banal na kasulatan. Binigay ni Jesus ang tatlong talinhaga sa ating ebanghelyo – ang nawawalang tupa, ang nawawalang salaping pilak at ang nawawalang anak. Sa tatlong talinhagang ito ipinapakita ang pagmamalasakit na hanapin ang nawawala. Iniwan ang siyamnapu’t siyam na tupa upang hanapin ang isang nawawala. Nagwalis nang masinsinan sa bahay upang matagpuan ang nawawalang pilak. Tandaan natin na noong unang panahon, ang mga bahay ay walang sahig. Lupa ang kanilang sahig. At hindi madali magwalis sa lupa. Ang matandang tatay ay araw-araw nag-aabang sa pagbalik ng kanyang na umalis na anak. At noong makita siyang dumarating, patakbo pa siyang sinalubong.

At sa tatlong talinhaga nagkaroon ng matinding kasiyahan noong matagpuan ang nawawala. Talagang totoo ang sinabi ni Jesus na magkakaroon ng matinding kasiyahan sa langit sa isang makasalanan na nagbalik loob sa Diyos.

Lahat ay nakisaya, maliban sa isang self-righteous na panganay na anak. Ito ay iyong mga nagsisikap na maglingkod sa Diyos sa sarili nilang makakayanan. Nagtatrabaho siya para sa kanyang ama pero wala siyang loving relationship sa kanya. Ang kanyang ginagawa ay trabaho lang. Kaya kapag ito ay hindi na-recognize, nasasaktan siya. Parang hindi siya appreciated. Hindi niya nakita na dahil nasa bahay siya ng ama ang lahat nga ng sa ama ay kanya rin. Hindi niya nakita na siya ay anak at hindi lang manggagawa.

Pino-promote natin ngayon ang spirituality of stewardship, stewardship of time, stewardship of talent and stewardship of treasure. Ang pinakamahalaga dito ay ang Stewardship of Time. Magbibigay tayo ng panahon para sa Diyos upang madevelop ang ating relationship sa kanya. Hindi tayo nagkakaroon ng relationship sa isang tao o sa Diyos man kung hindi tayo magbibigay ng panahon para sa kanya – na tayo ay magdasal, na tayo ay magbasa ng Bibliya, na tayo ay magsisimba upang lalu siyang makilala. Nagkakaroon tayo ng relationship sa mga tao at sa Diyos na pinag-uukulan natin ng panahon.

Huwag po tayong magbigay ng dahilan na hindi na ako karapat-dapat sa Diyos. Kahit gaano tayo kasama, tinatanggap tayo ng Diyos. Ang ating nakaraan ay hindi hadlang sa pagtanggap sa atin ng Diyos. Sinabi ko kanina na hindi totoo na hindi nagbabago ang Diyos. Hindi pala eksakto ang sinabi ko. Hindi nga talaga nagbabago ang Diyos. Ang hindi nagbabago sa Diyos ay ang kanyang habag. Dahil sa kanyang habag makakalapit tayo palagi sa Diyos. Tatanggapin niya tayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 5,148 total views

 5,148 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 35,371 total views

 35,371 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 62,022 total views

 62,022 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 157,010 total views

 157,010 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 178,107 total views

 178,107 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily July 5, 2026

 7,418 total views

 7,418 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle A Zec 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30 “Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa

Read More »

Homily June 28, 2026

 15,833 total views

 15,833 total views 13th Sunday in Ordinary Time Cycle A St Peter’s Pence Sunday 2 Kgs 4:8-11.14-16 Rom 6:3-4. 8-11 Mt 10:37-42 Madaling sagutin ang tanong:

Read More »

Homily June 21, 2026

 18,892 total views

 18,892 total views 12th Sunday of Ordinary Time Cycle A Father’s Day Jer 30:10-13 Rom 5:12-15 Mt 10:26-33 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito.

Read More »

Homily June 14, 2026

 21,984 total views

 21,984 total views 11th Sunday in Ordinary Time Cycle A Ex 19:2-6 Rom 5:6-11 Mt 9:36-10:8 Nababahala ang Diyos sa atin. Hindi niya tayo nilikha, nilagay

Read More »
Scroll to Top