Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 363 total views

Homiliya para sa Ika-24 Linggo ng Karaniwang Panahon, 11 Setyembre 2022, Luk 15:1-32

Naranasan na ba ninyo ang makinig sa ebanghelyo o sa homily ng pari at pakiramdam mo parang tinamaan ka ng Salita ng Diyos? Di ba may kasabihan tayo sa Tagalog, “Bato bato sa langit, ang tamaa’y huwag magagalit.”? Minsan sa isang recollection, binago nang kaunti ni Bishop Ted Bacani ang kasabihang ito: “Bato bato sa langit, ang tamaa’y mabukulan sana.” Panalangin daw iyon ng mga paring may pinatatamaan sa homiliya pero madalas hindi naman umeepekto. Hindi bumubukol.

Kung minsan daw, lalapit pa nga iyung taong pinatatamaan at sasabihin sa pari, “Father, ang galing ng homily ninyo. Ang daming tinamaan!” Hindi niya alam, siya pala ang pinatatamaan. Failure talaga si Father.

Tatlong parables ang narinig natin sa ebanghelyo. Pero sa introduction, sa first two verses, doon mo malalaman na may pinatatamaan pala si Hesus sa tatlong kuwento niya: ang mga eskriba at pariseo. Kasi, nagbububulung-bulungan daw sila dahil nakikisalo si Hesus sa mga tinuturing nilang makasalanan sa lipunan. Kaya ikinuwento niya ang tatlong talinghaga.

Sa tatlong kuwento, may ibinibigay na mathematical problem si Hesus. Isang pastol, meron daw siyang 100 na tupa, nawala ang isa, ilan ang iuuwi niya? E di 99. Ganyan din sa pangalawang kuwento: isang babae, meron daw siyang 10 salaping pilak, nawala ang isa, ilan pa ang natira? E di 9. At sa pangatlong kuwento, may isang ama, may 2 anak siyang lalaki, naligaw ng landas ang 1. Ilan ang natira? E di 1. Ganyan ang mathematics ng tao. Pero iba ang mathematics ng Diyos; ito ang punto ni Hesus.

Sa unang kuwento, importanteng tandaan na ang mga pastol noong mga panahong iyon ay tagapangalaga lamang ng kawan. Hindi sila ang nagmamay-ari sa mga tupa. Kapag pinagkatiwalaan ang isang pastol ng 100 na tupa, hindi siya pwedeng bumalik na 99 lang ang kasama. Kailangan niyang hanapin ang nawawala dahil pananagutan niya ito. Kapag hindi 100 ang iuuwi niya, mawawalan siya ng trabaho. 100 minus 1 equals 0. Hindi basta tatanggapin ng may-ari ang pagkawala ng kahit na isa.

Sa ikalawang kuwento, ang sampung salaping pilak ay nakakabit sa belo ng ikakasal, parang dekorasyon sa palibot ng mukha niya. Pamana ito ng mga naunang henerasyon ng mga babae sa pamilya niya. Kapag nawala ang isang salaping pilak, bungi na ang belo, hindi na ito pwedeng ipamana. Wala nang kuwenta. Ni hindi pwedeng palitan ng bago ang nawawala. 10 minus 1 equals 0.

At sa ikatlong kuwento, ang dalawang anak na lalaki ay parehong mahal ng ama. Hindi lubos ang kaligayahan niya bilang ama, hangga’t hindi bumabalik ang anak niyang naliligaw ng landas, at hindi pa siya napapatawad o natatanggap na muli ng kanyang kapatid.

Noong bata pa ako sa pagkapari, napahiya ako nang lumapit at humingi ng payo ang isang inang hindi mapayapa ang loob dahil sa isa sa apat na anak niya ay naging drug addict. Sinabi ko sa kanya na parang pakunswelo, “At least may tatlo pa kayong mga anak na mababait at responsable.” Sabi ba naman niya sa akin, “Salamat na lang ho. Siguro kaya ganyan kayong magsalita ay dahil wala naman kayong sariling anak. Hindi ninyo alam ang damdamin ng isang magulang.”

Bakit angkop ang mga kuwentong ito sa pyestang Santa Cruz? Dahil ang krus ay tungkol sa mathematics ng Diyos. Hindi niya basta iiwan, o pababayaan o tatanggapin ang pagkawala ng kahit na isa sa mga anak niya. Ewan ko ba kung saan nanggaling ang sobrang pagkatakot natin sa parusa Diyos. Na para bang napakasigasig niya na itapon tayo sa impyerno kapag tayo’y nagkasala o naligaw ng landas.

Ang krus ay tungkol sa Diyos na handang magdusa at mamatay, handang bumaba ng impyerno para atin. Sabi nga niya sa John 14, “Sa bahay ng aking ama ay maraming silid. Maluwag, may lugar para sa lahat.” Hindi totoo na iilan lang ang mga papapasukin niya. Hindi totoo na ang pagibig niya ay para lamang sa mga banal, mabait, at karapat-dapat.

Madali naman talaga ang magmahal ng mga mababait at karapat-dapat. Ang tunay na hamon ay ang magmahal pa rin kahit pag ang minamahal ay pasaway, walang utang na loob o naliligaw ng landas. Dahil siya ay Diyos na lubos kung magmahal, gagawin niya ang lahat ng kailangang gawin upang mailigtas niya ang lahat ng minamahal niya, kahit ipagdusa pa niya. Maraming beses ko nang nasabi sa inyo, ang sinisimbolo ng krus para sa atin ay hindi kamatayan kundi buhay, hindi kasalanan kundi patawad, hindi pagkamuhi kundi pagibig na walang kundisyon, hindi pagdurusa kundi pag-aalay ng buhay bilang pantubos sa minamahal.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 577 total views

 577 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 13,717 total views

 13,717 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 19,690 total views

 19,690 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 25,445 total views

 25,445 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 32,708 total views

 32,708 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 778 total views

 778 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 780 total views

 780 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,534 total views

 3,534 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,949 total views

 7,949 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,275 total views

 3,275 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,798 total views

 3,798 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,297 total views

 5,297 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,141 total views

 6,141 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,396 total views

 4,396 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,609 total views

 8,609 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,841 total views

 7,841 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,051 total views

 12,051 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,499 total views

 5,499 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,503 total views

 5,503 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,503 total views

 5,503 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top