VeritasPH

The Word, The Truth

 245 total views

24th Sunday Year Cycle C

Ex 32:7-11, 13-14 1 Tim 1:12-17 Lk 15:1-10

Marami sa atin ay nagkakaroon ng paningin sa Diyos galing sa mga Greek at Roman Philosophers at kahit na sa mga rationalist philosophers of Enlightenment. Ang tingin natin sa Diyos ay siya ay perfect. Dahil sa siya ay perfect hindi siya nagbabago. Nakikita niya ang lahat ng kasalanan natin at ito ay kanyang pinaparusahan. Kaya tayong nagsisikap na lumapit sa kanya ay dapat walang kasalanan. Ang ganitong pananaw sa Diyos ay hindi naaayon sa Bibliya.

Sa ating unang pagbasa, habang si Moises ay nasa bundok ng Sinai na tumatanggap ng batas ng Diyos, ang mga tao sa pangunguna ni Aaron ay tumalikod na sa Diyos. Gumawa sila ng gintong guya at sinabi nila sa mga Israelita na ito ang Diyos na nagligtas sa kanila sa Egipto. Ang unang utos ng Diyos ay huwag silang sumamba sa mga larawan ng mga hayop at ngayon, sinuway na nila ito. Galit na galit ang Diyos kaya pinababa na niya sa Moises at lilipulin niya ang mga tao. Talagang matitigas ang ulo ng mga taong ito kaya gagawa na lang siya ng bagong bayan mula sa lahi ni Moises. Pinakiusapan siya ni Moises. Pinaalaala niya sa Diyos ang kanyang pangako sa kanilang mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob na gagawa ng isang dakilang lahi mula sa kanila. Ang napakiusapan naman si Yahweh. Hindi na niya nilipol ang bayan. Nagbabago ang Diyos dahil sa kanyang habag. Hindi nga itinuloy ng Panginoon ang balak na paglipol sa mga Israelita. Hindi parusa ang umiral kundi habag.

Iyan din ang karanasan ni Pablo. Siya ay tagausig kay Kristo sa kanyang pagpapakulong sa mga Kristiyano. Kahit na ganito ang kanyang nakaraan, pinatawad siya ng Diyos at pinagkatiwalaan pa siya ng misyon na maging tagapagpahayag ng pagpapatawad ng Diyos. Ito ay naranasan niya mismo. Nagbabago ang Diyos sa kanyang pakikitungo sa atin.

Tama ang sinulat ni San Pablo: Narito ang isang katotohanang dapat tanggapi’t paniwalaan ng lahat: si Kristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. Hindi ito naiintindihan ng mga Pariseo at Escriba, mga taong dapat alam ang Banal na kasulatan. Binigay ni Jesus ang tatlong talinhaga sa ating ebanghelyo – ang nawawalang tupa, ang nawawalang salaping pilak at ang nawawalang anak. Sa tatlong talinhagang ito ipinapakita ang pagmamalasakit na hanapin ang nawawala. Iniwan ang siyamnapu’t siyam na tupa upang hanapin ang isang nawawala. Nagwalis nang masinsinan sa bahay upang matagpuan ang nawawalang pilak. Tandaan natin na noong unang panahon, ang mga bahay ay walang sahig. Lupa ang kanilang sahig. At hindi madali magwalis sa lupa. Ang matandang tatay ay araw-araw nag-aabang sa pagbalik ng kanyang na umalis na anak. At noong makita siyang dumarating, patakbo pa siyang sinalubong.

At sa tatlong talinhaga nagkaroon ng matinding kasiyahan noong matagpuan ang nawawala. Talagang totoo ang sinabi ni Jesus na magkakaroon ng matinding kasiyahan sa langit sa isang makasalanan na nagbalik loob sa Diyos.

Lahat ay nakisaya, maliban sa isang self-righteous na panganay na anak. Ito ay iyong mga nagsisikap na maglingkod sa Diyos sa sarili nilang makakayanan. Nagtatrabaho siya para sa kanyang ama pero wala siyang loving relationship sa kanya. Ang kanyang ginagawa ay trabaho lang. Kaya kapag ito ay hindi na-recognize, nasasaktan siya. Parang hindi siya appreciated. Hindi niya nakita na dahil nasa bahay siya ng ama ang lahat nga ng sa ama ay kanya rin. Hindi niya nakita na siya ay anak at hindi lang manggagawa.

Pino-promote natin ngayon ang spirituality of stewardship, stewardship of time, stewardship of talent and stewardship of treasure. Ang pinakamahalaga dito ay ang Stewardship of Time. Magbibigay tayo ng panahon para sa Diyos upang madevelop ang ating relationship sa kanya. Hindi tayo nagkakaroon ng relationship sa isang tao o sa Diyos man kung hindi tayo magbibigay ng panahon para sa kanya – na tayo ay magdasal, na tayo ay magbasa ng Bibliya, na tayo ay magsisimba upang lalu siyang makilala. Nagkakaroon tayo ng relationship sa mga tao at sa Diyos na pinag-uukulan natin ng panahon.

Huwag po tayong magbigay ng dahilan na hindi na ako karapat-dapat sa Diyos. Kahit gaano tayo kasama, tinatanggap tayo ng Diyos. Ang ating nakaraan ay hindi hadlang sa pagtanggap sa atin ng Diyos. Sinabi ko kanina na hindi totoo na hindi nagbabago ang Diyos. Hindi pala eksakto ang sinabi ko. Hindi nga talaga nagbabago ang Diyos. Ang hindi nagbabago sa Diyos ay ang kanyang habag. Dahil sa kanyang habag makakalapit tayo palagi sa Diyos. Tatanggapin niya tayo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 2,792 total views

 2,792 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 8,549 total views

 8,549 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 15,812 total views

 15,812 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 23,797 total views

 23,797 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,333 total views

 31,333 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 1,977 total views

 1,977 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,104 total views

 8,104 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,233 total views

 6,233 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,516 total views

 8,516 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,422 total views

 11,422 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,361 total views

 12,361 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,355 total views

 12,355 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,073 total views

 16,073 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,919 total views

 17,919 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,916 total views

 17,916 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,425 total views

 22,425 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,741 total views

 27,741 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,899 total views

 29,899 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,057 total views

 32,057 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 32,402 total views

 32,402 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top