Pairalin ang mindset of prevention and safety, panawagan ng OCTA sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total reads

Naniniwala ang grupo ng mga eksperto na hindi hadlang ang pagsusuot ng facemask bilang proteksyon laban sa COVID-19 sa mobility ng mga tao.

Ayon kay Dr. Butch Ong-tagapagsalita ng OCTA Research group, mas mahalagang pangunahing bigyan tuon ay ang pag-iingat na makaiwas mula sa nakakahawang sakit.

“I think it would be really best to just keep the mindset or the mindset of prevention and the mindset of safety,” ayon kay Ong sa panayam ng Radio Veritas.

Sa kabila nito, nilagdaan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang boluntaryong pagsusuot ng facemask sa mga open area at mga lugar na may sapat na bentilasyon.

Mananatili namang ipatutupad ang pagsusuot ng facemask sa health facilities, at mga pagamutan.

Hinihikayat din ang pagsusuot ng facemask sa mga may karamdaman at matatanda na madaling mahawaan ng iba’t ibang uri ng karamdaman.

Naniniwala si Ong na mas dapat munang magsuot ng facemask ang mamamayan upang manatiling ligtas mula sa virus at hangga’t hindi pa tuluyang mababa ang bilang ng mga nahahawaan.

Sa pinahuling ulat ng Department of Health, umabot sa 2,038 ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan may 25,262 ang kasalukuyang aktibong kaso.

“Pero syempre ayaw natin ma-overwhelm ang ating mga ospital at ating mga klinika. And to prevent it, magbayanihan muna tayo at kapag mababa na ang mga numero, let’s just say mababa na siya for a few period of time let’s say several weeks or maybe even a couple of months ay maaari natin siguro ma-consider na luwagan ang ating mask mandate,” ayon kay Ong.

Muli namang hinikayat ni Ong ang mamamayan na magpabakuna ng booster shot lalo na ngayong ‘Ber Months’ dahil sa pagdiriwang ng Pasko, Bagong taon, Family reunions at pagbabakasyon ng mga Overseas Filipino Worker.

“Kung hindi pa kayo nabo-boost so please consider naman na magpa-boost kayo kapag nandiyan na ‘yung availability ng booster shot, it will give you an additional layer of protection ‘no against hospitalization and severe Covid,” dagdag pa ni Ong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 68,560 total reads

 68,560 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 104,070 total reads

 104,070 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 139,370 total reads

 139,370 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 365,640 total reads

 365,640 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 255,185 total reads

 255,185 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 11,811 total reads

 11,811 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top