Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 119,129 total reads

Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon.

Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa.

Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat isa ang pagkakawanggawa upang matulungan ang mga higit na maaapektuhan ng sakuna.

Paliwanag ng Obispo na sa pamamagitan ng pagbabayanihan ay maiibsan ang pinagdadaanang hirap ng bawat isa dulot ng pinsala ng bagyo.

“Panatilihin natin ang ating pananalangin sa Diyos na ilayo tayo sa matinding sakuna na idudulot ng bagyo. Malaking bagay ang magagawa ng pagbabayanihan sakali mang maghatid ng malaking pinsala ang bagyo. Lakasan lang din po natin ang ating loob at patuloy na manampalataya sa Diyos.” panalangin ni Bishop Presto.

Pinapaalahanan naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mga maaapektuhan ng bagyo na sumunod lamang sa mga panuntunan ng mga kinauukulan para sa paglikas upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Kasabay naman ng paggunita sa National Migrants’ at National Seafarers’ Sunday ngayong araw, dinadalangin din ni Bishop Santos na walang gaanong idulot na pinsala sa mga ari-arian at buhay ang Bagyong Karding.

“Here, in the Diocese of Balanga aside praying and offering Holy Masses for all of our migrants and seafarers, we pray that this typhoon Karding will not lead us to destruction and death. Let us pray invoking the words of our Lord Jesus,” be still, it is the Lord.”,” ayon kay Bishop Santos.

Iginiit naman ni Jun Cruz, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na makakatulong ang sama-samang panalalangin ng bawat mananampalataya upang mapanatiling ligtas ang bawat isa mula sa pinsalang maaring idulot ng bagyo.

Nawa ayon kay Bro.Cruz ay biyayaan ng Panginoon ang bawat isa ng karagdagang proteksyon mula sa bagyo.

“Dear Brothers and Sisters, let us come together in prayer asking the Lord for protection for His People. Even now let us ask Him to cast away this typhoon and calm it down by His power, Amen!” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bro.Cruz sa Radio Veritas.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, ganap nang naging Super Typhoon ang Bagyong Karding habang papalapit sa kalupaan.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 76-kilometro silangan ng Polilio Islands na kumikilos pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hanging aabot ng 195 km/h at pagbugso na 240 km/h.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 31,843 total reads

 31,843 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 86,141 total reads

 86,141 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 149,822 total reads

 149,822 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 217,929 total reads

 217,929 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 248,117 total reads

 248,117 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 182,207 total reads

 182,207 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 335,236 total reads

 335,236 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top