Official logo at theme ng Traslacion 2023, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,224 total reads

Inilunsad na ng Minor Basilica of the Black Nazarene ang opisyal na logo at tema sa Traslacion 2023.

Ito ang unang hakbang sa paghahanda sa taunang kapistahan ng traslacion ng imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno tuwing January 9 na nilalahukan ng milyung-milyong deboto mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Tema sa pagdiriwang sa 2023 ang ‘Higit na Mapalad and mga Nakikinig sa Salita ng Diyos at Tumutupad nito’ na hango sa ebanghelyo ni San Lucas chapter 11 verse 28.

Ayon sa Quiapo Church sa ilalim ng pamumuno ni Fr. Rufino Sescon ang logo sa Traslacion 2023 ay hango sa patuloy na paglapit ng mga deboto at mananampalataya sa simbahan lalo na sa karanasan ng dalawang taong pandemya.

Paliwanag ng basilica na ang krus sa logo ay tanda ng kaligtasan ng mamamayan habang ang kulay maroon ay hango sa kasuotan ng Mahal na Poong Nazareno at ang kulay kahel ay simbolo ng liwanag sa pagsapit ng dapi’t hapon.

Ang kampanaryo ng simbahan ang sagisag ng pagtawag sa mananampalataya upang magbuklod sa panalangin habang ang pamilya bilang simbahayan kung saan sa nagdaang pandemya mas umigting ang simbahan sa bawat tahanan.
Tampok din sa logo ng Traslacion 2023 ang simbolo ng Sinodo at Rosaryo bilang pakikiisa sa paghahanda ng simbahan sa Synod on Bishops sa October 2023 at ang patuloy na pakikilakbay ng simbahan sa synodal consultations ng mga diyosesis.

Bilang bansang Pueblo Amante de Maria itinampok ang Santo Rosaryo sapagkat sa pamamagitan ng panalangin ay pinagbuklod ng Mahal na Birhen ang mamamamayan tungo sa landas ni Hesus.

Iginiit ng Quiapo Church na ang Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ay isang paraan ng sinodo o sama-samang paglalakbay bilang mananampalataya ni Kristo mula sa iba’t ibang antas ng pamayanan.

Samantala sinasagisag ng mukha ng Poong Nazareno ang liwanag ng pag-asa sa kabila ng mga hamong patuloy kinakaharap ng mundo sa banta ng pandemya, karahasan, kahirapan at kagutuman ay nanatiling si Hesus ang muka ng pag-asa at kapanatagan.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 6,585 total reads

 6,585 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 19,860 total reads

 19,860 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 60,421 total reads

 60,421 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 87,418 total reads

 87,418 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 135,683 total reads

 135,683 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 156,870 total reads

 156,870 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top