521 total views

Homiliya Para sa Ika-28 Linggo ng Karaniwang Panahon, 09 Oktubre 2022, Lukas 17:11-19

Sampung ketongin daw ang pinagaling ni Hesus. Bumalik ang isa para magpasalamat. At tinanong ni Hesus, “Nasaan ang siyam?”

Parang pamilyar ang ganitong tanong tungkol sa nawawala na hinahanap. Pero baligtad ang kuwento ng ebanghelyo natin ngayon. Doon sa talinghaga ng nawawalang tupa, di ba ang kuwento ay tungkol sa isang pastol na may alagang isandaang tupa? Binilang siguro niya ang alaga niyang bumalik sa kuwadra. At nang 99 lang ang nabilang niya, ang tanong ay “Nasaan ang isa?” Kaya iniwan ang 99 para hanapin ang isang nawawala.

Doon naman sa isa pang talinghaga, isang babae daw ang may sampung salaping pilak. Nang bilangin niyang muli, siyam na lang. Ang tanong ay, “Nasaan ang isa?” Kaya iniwan daw ang siyam para hanapin ang isang nawawala.

Dito sa kuwento ng sampung ketongin, sampu ang gumaling, isa ang bumalik at ang tanong ni Hesus ay “Nasaan ang siyam?” May kasunod na isa pang tanong, “Wala bang bumalik para magpasalamat kundi ang dayuhang ito?”

Parang ganito rin ang naitanong natin sa Simbahang Katolika pagkatapos ng ating synodal consultation at nasanay tayo sa diwa ng synodality na ang ibig sabihin ay sama-samang naglalakbay. Parang nabigla tayo sa pagkamulat na kahit parang marami pa rin ang nagsisimba sa ating mga parokya, halos 10 porsiyento lang pala ang inaabot natin sa mga binyagang Katoliko. Nasaan ang nobenta porsiyento?

Ayon sa kuwentong narinig sa kuwento ni San Lukas (na wala sa ibang mga ebanghelyo), magkakasama ang sampung ketongin nang makatagpo nila si Hesus at nagmakaawa na pagalingin sila sa kanilang sakit. Hindi lang sila sama-samang naglakbay at dumulog kay Hesus. Sabay-sabay pa nga raw silang sumigaw na parang chorus sa isang Greek drama. Sa panahon ng sakit, magkakasama sila. Pero nang gumaling, nagkahiwalay na sila. Kaya minabuti kong itutok ang reflection natin ngayong umaga, una, tungkol sa mga bagay na naghihiwalay sa atin, at ikalawa, tungkol mga bagay na nagiging daan upang tayo’y magkasama-sama.

Ano ang karaniwang dahilan kung bakit tayo’y nagkakahiwalay ng landas? Madalas may kinalaman ang mga ito sa ating mga pagkakaiba. Halimbawa, pagkakaiba ng kultura, relihiyon, kulay, pulitika, estadong pangkabuhayan, atbp. Sa hindi natin namamalayan, may dala-dala tayong mga haka-haka o mga paunang hatol, lalo na tungkol sa mga taong “iba sa atin”.

Di ba, kaya tayo nagsasalamin ay para mas luminaw ang ating paningin? Meron din palang klase ng salamin na hindi nagpapalinaw kundi nagpapalabo o kumukulay sa ating nakikita tungkol sa iba. Parang salamin din ang marami sa ating mga nakagisnan na pala-palagay o haka-haka.

Ang bayang Israel, isang bansa lang sila noong mga panahon nina Haring Saul, David at Solomon. Pero nahati sila sa dalawang bansa pagkatapos ni Solomon: ang Northern Kingdom na ang capital ay Samaria, at ang Southern Kingdom na ang capital ay Jerusalem. Noon nagsimula na ang pagkakaiba ng taga-Samaria at mga taga-Judea. Noong una ang paghihiwalay ng dalawang bansa ay usapin lang ng teritoryo. Kahit magkaiba ng lugar na sinasambahan, iisang Diyos pa rin ang sinasamba. Pero sa kalaunan, naging usapin na rin ng pagkakaiba ng pananampalataya.

Ito ang background para maintindihan ang paksa ng pakikipag-usap ni Hesus at ng babaeng Samaritana sa may balon, ayon sa ebanghelyo ni San Juan. “Bakit kita paiinumin? Hindi ba madumi ang turing ninyo sa amin?” Parang ganito ang reaksyon ng babae nang nakiiom si Hesus. Ito rin ang background kung bakit sa isa pang kuwento, si Hesus at ang kanyang mga disipulo ay ayaw paraanin ng mga taga-Samaria. Alam kasi ng mga Samaritano na patungo sila sa Jerusalem para sumamba sa templo.

Nang sakupin ang norte ng Assyria, in-exile ang mga edukado at mga sundalo. Ang iniwan ay ang mga manggagawa sa lupa na tinawag sa Hebreo na AM HA’ ARETZ, ibig sabihin, “mga nagbubungkal ng lupa.” Parang hawig ito sa salitang Tagalog na “hampaslupa”—mga taong tinitingnan na mababa ang uri, minamaliit dahil napuputikan ang paa.



Hindi madali na mapagkaisa ang mga taong masyadong marami ang mga pagkakaiba. Walang magaganap na pakikipagkapwa, walang komunidad na mabubuoo hangga’t hindi sila matutong rumespeto sa isa’t isa, hangga’t hindi nila kayang tanggapin o lampasan ang kanilang mga pagkakaiba.

Kaya kapag may humihiwalay sa pamilya o sa komunidad, importanteng ang magtanong ng “Nasaan ang iba?” Mas mabuti na ang hanapin sila kaysa masanay na wala sila. Di ba’t noong pinatay ni Cain ang kapatid niyang si Abel ang Diyos pa ang nagtanong sa kanya, “Nasaan ang iyong kapatid?”

Sa ating ebanghelyo, kaya nagkasama ang sampu, Samaritano man o Hudyo ay dahil pare-pareho naman sila ng dinaranas na sakit at pare-pareho din silang tinuturing na madumi. Pinagkaisa sila ng karamdaman at ng masaklap na karanasan ng pandidiri ng tao sa kanila. Totoo naman, sa gitna ng hirap na dulot ng karukhaan lalo na sa panahon ng mga kalamidad, mas madaling magkaisa ang mga tao. Noong pumutok ang bulkang Pinatubo, nagkasama-sama sa iisang evacuation center ang mayaman at mahirap, edukado at hindi edukado, Katoliko at hindi Katoliko. Sa panahon ng sigalot, natututo ang tao na ituring ang iba bilang kapwa-tao, lalo na kung pareho naman sila ng pinagdadaanan. Hindi na nagtatanong ng relihiyon, lahi, pulitika, o social background.

Ganyan din naman ang naging daan ng pagkakaisa ng mga probinsiya at rehiyon ng Pilipinas noong nangyari ang rebolusyon laban sa Espanya. Kahit magkakaibang kultura at salita, pinagkaisa ang ating mga ninuno ng iisang layunin na magkamit ng kalayaan. Nagkaisa ang dating minamaliit at tinatawag na Indio o Katutubo ng mga Kastila. Filipino ang pinagkaisahan nilang angkinin bilang pagkakakilanlan sa kanilang pagbubuo ng isang malayang bansa.

Kung ang mga masamang karanasan ay puwedeng magbunsod sa mabuti, hindi ba ito magandang paliwanag sa mga nagtatanong, “Bakit kaya hinayaan ng Diyos na dumanas ang tao ng mga masamang pagyayari sa buhay?“ Ganito nga ang sabi ni Santo Tomas de Aquino, “Hinahayaan ng Diyos kapag ito ay magbubunsod ng higit na kabutihan.”

Kung napagkakaisa tayo ng mga karanasan ng hirap at pagsubok, hindi kaya dapat mas lalo tayong pagkaisahan ng karanasan ng pagpapala? Kaya siguro tinatanong ni Hesus, “Nasaan ang siyam?” Mas higit na matibay ang pagsasama ng mga taong pinagkaisa hindi lang ng pagsubok at paghihirap kundi pinagkaisa rin ng pasasalamat, ng pagtanaw ng biyaya, ng paggunita sa mga pagpapalang natatanggap sa buhay katulad ng ginagawa natin sa bawat Eukaristiya, na ang kahulugan ay PASASALAMAT.

At hindi ba ganito ang dasal ng ikinakasal: “Ipagkaloob mo po Panginoon na kami’y magkaisa ng puso at kaluluwa mula sa araw na ito, sa hirap at ginhawa, sa yaman at dalita, sa karamdaman at kalusugan hanggang sa kami’y paghiwalayin ng kamatayan.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 41,292 total views

 41,292 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 46,710 total views

 46,710 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 53,417 total views

 53,417 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 68,211 total views

 68,211 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 74,367 total views

 74,367 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 825 total views

 825 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 1,209 total views

 1,209 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 12,163 total views

 12,163 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 10,995 total views

 10,995 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 10,981 total views

 10,981 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 10,980 total views

 10,980 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 10,983 total views

 10,983 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 10,985 total views

 10,985 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 10,988 total views

 10,988 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 14,296 total views

 14,296 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 14,288 total views

 14,288 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 14,289 total views

 14,289 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 14,253 total views

 14,253 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 22,829 total views

 22,829 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 17,962 total views

 17,962 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top