Bishop Bagaforo, nanawagan sa administrasyong Marcos na palayain ang mga political prisoner

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total views

Nakiisa ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga political prisoner na patuloy lumalaban sa kanilang mga karapatan.

Tinukoy ni CBCP Nassa/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang karanasan ni dating Senator Leila de Lima na biktima ng pangho-hostage ng kapwa bilanggo noong October 9.

Naniniwala ang opisyal na ang pagkabilanggo ng mga political prisoners ay bunsod ng kanilang paninindigan para sa katarungan at karapatan ng mamamayan.

“Caritas Philippines stands in solidarity with the many political prisoners like former Senator Leila de Lima who have been unjustly detained due to their political beliefs and advocacies,” mensahe ni Bishop Bagaforo.

Batay sa ulat ng Philippine National Police nagtangkang tumakas ang tatlong preso na sina Feliciano Sulayao Jr. at Idang Susukan na pawang sub-leader ng Abu Sayyaf Group habang si Arnel Cabintoy naman ay miyembro ng Dawlah Islamiyah.

Matapos mapatay ng rumespondeng pulis sina Susukan at Cabintoy ay tinungo ni Sulayao ang selda ni de Lima at ginawang hostage ang dating Senador.

Bagamat nailigtas sa kapahamakan ay umigting ang panawagang palayain si de Lima lalo’t karamihan sa mga tumestigo ay binawi na ang mga pahayag laban sa dating senador.

Ayon sa tala ng grupong Karapatan, nasa 343 ang political prisoners sa administrasyong Arroyo, 306 sa administrasyong Aquino habang pinakamarami ang 592 sa administrasyong Duterte.

Apela ni Bishop Bagaforo na palayain ang mga nakapiit dahil sa pananaw sa pulitika at ipakita ang paggalang sa karapatan at kalayaan ng mamamayan.

“It’s time to free politically persecuted individuals to show Filipino citizens and the international community that basic human rights, freedom and justice are still in place in the Philippines,” ani ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 24,603 total views

 24,603 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 198,537 total views

 198,537 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 176,170 total views

 176,170 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 239,409 total views

 239,409 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 257,379 total views

 257,379 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top