700K na GC, ipinamigay ng Radio Veritas at Caritas Manila sa mahihirap na pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 83,080 total reads

Mahigit 700 daang libong piso na halaga ng ayuda ang ipinamimigay ng Radyo Veritas at Caritas Manila sa mga mahihirap ngayong buwan ng Oktubre 2022.

Kasabay ng ika-69 na anibersaryo ng Caritas Manila, inilunsad ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas ang pamamahagi ng 690 na gift certificates na nagkakahalaga ng P1,000-piso para sa bawat pamilya

Ang mga tagapakinig o tagapanood ng CIA program ay maaring mag-text ng kanilang mga napiling benepisyaryo na pagkakalooban ng gift certificates na dadaan sa pagsusuri ng mga social workers ng Caritas Manila para matiyak na mayroong pangangailangan o napapabilang sa mga poorest among the poor.

Ayon kay Radio Veritas Vice President for Operations Rev. Fr. Roy Bellen, patunay lamang ang inisyatibong ito ng Radyo Veritas at Caritas Manila sa kagustuhan ng Simbahan na makatulong sa mga mahihirap sa maliliit na pamamaraan.

“Mahalaga ang mga simpleng kawang-gawa [na] ito ng Simbahan. hindi man significant o pang-matagalan ang materyal na epekto nito, makatutulong pa din ito sa mga may agarang mga pangangailangan. It brings across the message that in any way the [Catholic] Church can help no matter how small, handa itong tumulong.” mensahe ni Fr. Bellen.

Sinabi din ni Fr. Bellen na isa lamang ang pagbibigay ng mga ganitong ayuda sa marami pang programa na ginagawa ng Simbahang Katolika para sa mga mahihirap at nangangailangan na naglalayong baguhin ang kanilang kalagayan.

Sinabi ng pari na kailangan din ang kooperasyon at pakikiisa ng mga nakakatanggap ng tulong upang maging matagumpay ang programa ng Simbahan na maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay.

“Bukod sa ganitong mga immediate at short- term interventions, patuloy din na nagsasagawa ang Simbahan ng mga programang pang-matagalan, sustainable at empowering sa mga kapatid nating nangangailangan.Nangangailangan din ito ng cooperation at pagsusumikap sa panig ng mga beneficiaries, para maging mabunga. We hope hindi lang mga short term assistance ang hangarin nila kundi mas maganda sana na makiisa sila sa pagsusumikap ng Simbahan na maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay.” dagdag pa ng Pari na siya rin namumuno sa Ministry on Social Communication ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Ang Programang Caritas in Action ay napapakinggan sa Radyo Veritas mula lunes hanggang Biyernes tuwing ala-una hanggang alas-dos ng hapon at napapanood din sa Facebook page na Veritas846.ph at sa Sky cable channel 211.

Magugunitang nasa 1.3 milyong pamilya ang natulungan ng Caritas Manila noong kasagsagan ng paglaganap ng Covid19 noong taong 2020 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gift certificates sa iba’t- ibang lungsod at probinsya sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,609 total reads

 77,609 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,297 total reads

 112,297 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,597 total reads

 147,597 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,866 total reads

 373,866 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,068 total reads

 263,068 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,523 total reads

 111,523 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top