Kilalanin ang tungkulin at ambag ng mga babae

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,747 total views

Nananawagan ang Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan (PKKK) ng katarungan para sa klima, pagkain at kalusugan sa gitna ng mga nararanasang krisis sa lipunan.

Ang panawagan ng grupo ay kasabay ng paggunita sa International Rural Women’s Day na layong kilalanin ang mahalagang tungkulin at ambag ng ‘rural women’ o mga babae sa kanayunan sa agrikultura, pagtugon sa pagkain, nutrisyon, at ang pangangalaga sa kalikasan.

Binigyang-diin ni PKKK President Janel Geconcillo, isang organic farmer mula Negros Oriental, ang hindi kinikilalang kontribusyon ng mga babae sa produksyon ng pagkain at ang pangalagaan ang mga tagalikha ng pagkain.

“Ang kalakhan ng pagkain sa buong mundo, babae ang nagprodukto. Mula sa pag-identify sa binhi na ating ipupunla papunta sa hapag-kainan na para ang ating pamilya ay makakain. Ngunit sa ating sitwasyon sa ngayon, marami ang nagugutom kahit marami ang nagpupunla,” pahayag ni Geconcillo.

Iginiit ni Geconcillo na dapat ding sikaping matulungan at matugunan ng mga kinauukulan ang suliranin na ang mga tagapagtanim ay sila pa ang higit na nakakaranas ng paghihirap at kagutuman.

Nanindigan naman si Erwinda Sarmiento mula sa mga katutubong Agusan Manobo sa pangangalaga sa inang kalikasan at ang pangangailangan ng bansa para sa food security.

“Pahalagahan natin ang ating kalikasan at ang ating pagkain dahil diyan nakasalalay ang mga kababaihan, ang ating mga komunidad, ang ating mabuting pamumuhay sa pamayanan,” ayon kay Sarmiento.

Batay sa pag-aaral ng PKKK, sa isang araw ay walo hanggang 11 oras ang ginugugol ng mga babae para sa agrikultura hindi lamang sa pagtatanim, kun’di maging sa paghahanap ng kapital, pag-aani, at paghanda at pagbebenta ng mga produkto.

Nakasaad naman sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco na karapatan ng bawat isa na maglabas ng saloobin hinggil sa mga nangyayaring hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan, kung saan ang ilan ay tinitingnan ang mga sarili na mas karapat-dapat kaysa sa ibang higit na dapat bigyang-halaga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 16,326 total views

 16,326 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 59,934 total views

 59,934 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 144,338 total views

 144,338 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 160,336 total views

 160,336 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CGG, nababahala sa Senado

 4,219 total views

 4,219 total views Nagpahayag ng pagkabahala si Fr. Warren Puno sa mga kaganapan sa Senate of the Philippines sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng

Read More »
Scroll to Top