Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 621 total reads

Kapanalig, marami sa atin, hindi tunay na nauunawaan ang mga indigenous peoples o IP. Iba sila sa ating paningin. May mga kababayan din tayong mababa ang tingin sa mga IPs. Kailangan ang ganitong mindset o perspektibo ay tanggalin sa atin lipunan. Ang IPs ay ating mga kapatid. Tayo at ang mga IPs ay magkakaugnay.

Dito sa ating bansa, minsan pinagtatawanan pa ng ilan ang mga itsura ng IPs. Inaalipusta sila. Ang kanilang boses ay lagi din binubusalan pagdating sa mga isyung nakakaapekto sa kanilang mga pamilya. Isang halimbawa rito ay ang ang pagtatag ng Apayao dams, na ayon sa mga IPs na naninirahan doon, ay isang imprastrakturang magbubura ng kanilang mga tahanan, at magtatanggal ng kanilang kalayaang mabuhay bilang mga Isnag. Ang mga Isnag ay mga katutubong naninirahan sa Kabugao, Apayao.

Marami ring mga pagkakataon kung kailan ang mga IPs, sa halip na tulungan, ay nare-red tag pa. Sa kanilang pagdedepensa ng kanilang lupa, kultura, at karapatan, sa halip na sila ay tulungan, sila ay binabansagan pang mga NPA o terorista.

Kapanalig, hanggang kailan pa natin patuloy na ima-marginalize at ihihiwalay ang mga katutubo sa atin? Hanggang kailan magiging mababaw ang ating pananaw ukol sa pagkakilanlan at kapakanan ng mga kapating nating katutubo?

Katulad natin kapanalig, IPs matter. Pero hindi natin makita ito sa ating lipunan. Hanggang ngayon, kapanalig, wala pa rin tayong maayos at maliwanag na datos ukol sa kanilang bilang. Tinatayang nasa 10% hanggang 20% ng ating populasyon ang mga IPs, pero hanggang ngayon wala pa ring opisyal na statistics sa kanilang. Kung meron man, hindi nakikita dito ang iba ibang subgroups ng mga IPs, na malaki ang kaibahan sa isa’t isa. Kadalasan, ang mga nakikilala namang natin ay ang mga Badjao, Ita, at Igorot. Paano naman ang iba?

Si Pope Francis ay isang huwaran pagdating sa pagkilala sa mga IPs. Sa isang video noong July 2016, inihayag niya na “I want to be a spokesman for the deepest longings of the indigenous peoples.” At ngayong 2022, sa kanyang pagpunta sa mga IPs sa Canada, inamin niya at humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamali ng ilang miyembro ng ating Simbahan. May mga insidente kapanalig, na ang mga batang IPs doon ay dinadala sa mga boarding schools at hinihiwalay sa kanilang mga kaanak upang sila ay maintegrate sa mainstream society. Sabi nga ng Mahal na Papa:  “it is chilling to think of determined efforts to instill a sense of inferiority, to rob people of their cultural identity, to sever their roots, and to consider all the personal and social effects that this continues to entail: unresolved traumas that have become intergenerational traumas.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 20,298 total reads

 20,298 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 51,571 total reads

 51,571 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 130,261 total reads

 130,261 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 224,487 total reads

 224,487 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 284,356 total reads

 284,356 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Protektahan ang mga bata

 20,300 total reads

 20,300 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 51,573 total reads

 51,573 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 130,263 total reads

 130,263 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 224,489 total reads

 224,489 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »
Scroll to Top