People’s climate strike, ilulunsad ng PMCJ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,216 total reads

Inaanyayahan ng Philippine Movement for Climate Justice ang mga makakalikasan na makibahagi sa isasagawang People’s Climate Strike.

Paksa nito ang No Tomorrow without Climate Justice Today na gaganapin sa November 16, 2022 simula alas-siete ng umaga sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Ayon kay PMCJ Luzon Coordinator, Erwin Puhawan, layunin ng climate strike na pukawin ang kamalayan ng bawat isa upang matugunan ang krisis sa klima kasabay ng isinasagawang 27th United Nations Climate Change Conference of Parties o COP27 Summit sa Sharm El Sheik sa Egypt.

Pagbabahagi ni Puhawan, isasagawa rin ang climate strike hindi lamang sa Quezon City kun’di maging sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Sa different parts din ng Pilipinas, sasabay din ‘yung iba’t ibang areas. Meron sa La Union, Pangasinan, Zambales, lalo na ‘yung sites na may mga coal-fired power plant at tsaka yung may mga planong magtayo ng fossil gas facilities. So, nationwide ito, mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao,” pahayag ni Puhawan sa panayam ng Radio Veritas.

Nilalayon din ng gawain na makahikayat ng mas malaking bilang ng tao kumpara sa mga nakaraang climate strike upang palakasin ang panawagan para sa climate justice at deklarasyon ng climate emergency.

Inaasahan ng grupo na magkakatipon-tipon ang hindi bababa sa 5,000 hanggang 20,000 bilang ng mga kalahok upang maging pinakamalaking climate strike event sa kasaysayan ng Pilipinas.

Katuwang ng PMCJ sa isasagawang malaking pagtitipon ang Living Laudato Si’ Philippines, Greenpeace Philippines, Philippine Alliance for Human Rights Advocates (PAHRA), at iba pang environmental, labor, at human rights group.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 17,412 total reads

 17,412 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 102,105 total reads

 102,105 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 196,436 total reads

 196,436 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 258,122 total reads

 258,122 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 303,063 total reads

 303,063 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 209,963 total reads

 209,963 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top