Ang Lumiliit na Halaga ng Pensyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 510 total reads

Sirit ng sirit ang inflation rate sa ating bansa, kapanalig. Paliit ng paliit ang halaga ng ating pera. Kada linggo, pataas din ng pataas ang presyo ng mga bilihin. Kaya pa ba natin?

Isa sa mga pinaka-apektado sa mataas na inflation rate ng ating bayan ay ang mga seniors natin na umaasa na lamang sa kanilang mga pension upang maka-survive. Hindi nagbabago ang halaga ng kanilang pensyon. Sa bilis ng pagtaas ng inflation rate, hindi na ito sumasapat para sa kanilang mga batayang pangangailangan sa araw-araw.

Ang inflation, kapanalig, ay naging napakalaking balakid na sa maayos at dekalidad na buhay ng ating  mga elderlies. Inaasam asam pa naman sana ng marami sa kanila na matapos ng taong-taong pagkayod, kanilang matatamasa na ang bunga ng kanilang paghihirap. Pero hindi. Ninanakaw na ng inflation ang kanilang masaya at payapa sanang retirement.

Huwag din natin kalimutan kapanalig, na ang pension sa ating bayan ay napakaliit at hindi lahat ay nakakatanggap nito. Tinatayang mga 7.5 million ang bilang ng mga elderly o seniors sa ating bayan. 27.7% o tatlo sa sampu lamang sa kanila ang may pension mula sa SSS o GSIS. Ang halaga ng GSIS pension ay karaniwang nasa P18,525 lamang at sa SSS, mga P5,123 lamang. Maliban pa dito, noong 2017, 51.4% lamang ng mga seniors ang nasakop ng PhilHealth. Kapanalig, kung maliit na ang mga halagang ito, paano pa kaya ang mga seniors na walang social protection? Paano sila nagsu-survive ngayong pagkataas-taas ng mga bilihin sa ating bayan?

Sa panahon ng kagipitan, napakahalaga ng mga programa at polisiya para sa mga marginalized at vulnerable sa ating bayan. Marami ang mga maralita sa ating bayan, pero sa hanay nila, ang mga seniors, lalo na ang mga walang kita at mahina na, ang isa sa pinaka-bulnerable. Wala silang ibang pagkukunan ng lakas at suporta kundi ang lipunan, at sa sitwasyong ito, ang pamahalaan ang dapat mauna, lalo pa’t mahigit pa sa kalahati ng ating seniors ang bumoto para sa kasalakuyang administrasyon.

Kapanalig, napakahirap para sa kahit sinumang ordinaryong mamamayang Filipino na tiyakin na sila ay may sapat na pension sa kanilang pagtanda, kahit pa nagtrabaho pa sila ng matagal na panahon. Dahil maliit ang kita sa ating bayan, ang pag-iimpok para sa pagtanda ay mahirap gawin, kaya’t marami ang naka-asa na sasapat na ang pension. Marami rin, lalo ang mga mamamayang nasa informal economy, ay walang access sa mga abot-kayang retirement plan, kaya’t umaabot sila ng pagtanda na walang inaasahang pension.

Sabi nga ni Pope Francis noong Abril 2022 sa kanyang Wednesday General Audience sa St. Peter’s Square: The elderly must be loved and honoured. Ang isa sa pinaka-kongkretong paraan upang magawa natin ito ay sa pamamagitan ng katiyakan ng kanilang social protection. Hanggang kailan kaya sila maghihintay bago nila makamit ito?

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 52,967 total reads

 52,967 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 89,680 total reads

 89,680 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 124,979 total reads

 124,979 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 351,249 total reads

 351,249 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 241,657 total reads

 241,657 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 52,969 total reads

 52,969 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 89,682 total reads

 89,682 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 124,981 total reads

 124,981 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 351,251 total reads

 351,251 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top