Isabuhay ang “Plant-based diet”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 881 total reads

Hinikayat ng opisyal ng simbahan ang mamamayan na isabuhay at palaganapin ang plant-based diet.

Kasabay ito ng muling pagsusulong sa “No Meat Friday” campaign na layong hikayatin ang bawat isa na iwasan ang pagkain ng karne o pagkaing may mukha, at sa halip ay isulong ang pagkain ng prutas at gulay.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at executive director ng Caritas Manila, ang plant-based diet ang pinakamabuting paraan ng pagkain sapagkat hindi lamang ito nakatutulong sa kalikasan kun’di pinapabuti rin nito ang kalusugan ng katawan.

“Ito pong plant-based diet ang pinakamalusog na pagkain na para sa tao. Sa totoo lang, nasa Genesis 1:29 po ‘yan – I give you green plants for food. Talagang sa simula pa lang, ang ibinigay sa ating pagkain ng Diyos na siyang lumikha sa atin at alam niya kung anong makakabuti sa ating katawan, isipan, at pagkatao ay ang pagkaing walang mukha.” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Naunang sinabi ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na kapansin-pansin ngayon ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng malalang karamdaman sanhi ng labis na pagkonsumo ng mga tao sa karne ng hayop.

Batay sa mga pag-aaral, ang pagkain ng karne ay maaaring magdulot ng iba’t ibang uri ng cancer, sakit sa puso, alzheimer’s disease, at diabetes.

Kaya naman panawagan ni Fr. Pascual sa lahat na simulan nang makibahagi sa pagsusulong ng plant-based diet upang maging malusog ang pangangatawan at mapangalagaan din ang kalikasan.

“Subukan po natin. Kapag kumain tayo ng mga pagkaing walang mukha or plants, lalo tayong lalakas, lalo tayong gagaling at hahaba ang ating buhay na paglilingkod sa Diyos at kapwa.” ayon sa pari.

Magugunitang pinuri ni Fr. Pascual ang hamon ng Cambridge University kay Pope Francis upang hilingin sa mga katolikong kristiyano ang pag-iwas sa pagkain ng karne upang mabawasan ang global carbon emissions.

Patuloy na isinusulong ng Radio Veritas ang Kilusang Plant-based diet at No Meat Friday Campaign upang ipalaganap ang pangangalaga sa kalusugan ng tao, at kalikasan mula sa epekto ng climate change.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 51,520 total reads

 51,520 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 88,537 total reads

 88,537 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 123,836 total reads

 123,836 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 350,106 total reads

 350,106 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 240,553 total reads

 240,553 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,132 total reads

 154,132 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top